Abante Tonite Interactive

Panis na ang binibigay ng generous na kapitbahay

385

Good day sa lahat ng readers ng Abante TONITE.

Ang tsika ko naman tungkol sa kapitbahay ko ay pagi­ging generous niya.

Generous na medyo kuwestiyunable. Kung bakit, ay ganito po iyon.
May eatery ang kapitbahay kong tawagin na lang na­ting si Elsa.

Bagong lipat pa lang kami dito sa may Malabon. Si Elsa naman daw, ayon sa mga iba ko pang kapitbahay ay matagal na raw na naninirahan dito sa Malabon. Ang karinderya naman daw niya’y may limang taon na.

Marami akong naririnig na negatibong balita tungkol kay Elsa – pero hindi naman ako agad naniniwala dahil napakabuti naman ng pakikitungo niya sa aking pamilya.

Sa katuna­yan ay panay ang abot at pagbibi­gay niya sa amin ng kung an0-ano lalo na ang mga luto niyang ulam.

Ang ipinagtataka ko lang, ang mga binibigay niyang ulam ay may amoy na. In short ay panis na.

May pagkakataon pa ngang nagtae kaming magpamil­ya. Hindi ko lang binanggit sa kanya dahil ayokong isipin or sabihin niya na ‘kami na nga ang binigyan ay nagre­reklamo pa’.

Pero totoo pong kadalasan ay maa­sim na ang binibigay niya sa amin.
Hindi ko tuloy alam ngayon kung totoo bang generous siya o gusto lang kaming lasunin.