Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panlalait sa mga Igorot pinaimbestigahan

0 1,140

Kahit binawi at itinuwid na ng Department of Education (DepEd) ang pagkakamali ay pinaimbestigahan pa rin ng isang kongresista ang naging paglalarawan sa mga Igorot mula sa mga pinamumudmod na learning module para sa distance learning ngayong pandemya.

Sa inihaing House Resolution No. 1601 ni Nueva Vizcaya Rep. Luis Lloren Cuaresma, sinabi nito na kahit na binawi at hindi na ipamimigay ng DepEd ang naturang module na naglalaman ng panlalait sa mga Igorot ay mahalaga pa ring linawin at sagutin ito ng kagawaran at agad na maituwid.

Una nang kinuwestiyon ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog ang naturang module sa pamamagitan ng sulat na ipinadala nito sa DepEd dahilan upang ipag-utos ni Secretary Leonor Briones na agad bawiin ang kinukuwestiyon na learning materials.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.