Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panlilio may ibubunyag

0 128

Mangungunang bisita si Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) president Alfredo Panlilio ngayong Pebrero sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum.

Isisiwalat ng opisyal ang paglahok ng Gilas Pilipinas sa International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers at ang Special Gilas Draft sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corporation, Go For Gold PH, MILO® Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upsteam Media.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Panauhin din sina MILO Sports Executive Luigi Pumaren, MILO Ambassadress Alyssa Valdez at Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali na tatalakayin ang bagong programang ilalatag para sa mga bata na nasa home-based learning ngayong may pandemiya.

Magsisimula ang progama sa alas-10:00 nang umaga na may livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB din. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.