Abante Tonite Interactive

Panlilio pinasinayaan ang bagong SBP, PH 5 logo

359

May bagong logo ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Team Pilipinas, sa unang pagkakataon ay ipinakita nina SBP president Al Panlilio at PBA commissioner Willie Marcial Miyerkoles ng gabi.

Gagamitin na ang mga bagong design habang naghahanda ang Pilipinas sa pagsabak sa 18th FIBA World Cup sa China sa August.

“After 10 years, we felt it was timely to refresh the SBP logo to give it a new look,” pahayag ni Panlilio sa news conference bago ang Game 5 ng Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Gilas Pilipinas na ang gagamiting moniker sa lahat ng national basketball teams.

Sa bagong Gilas logo, tampok ang basketball na may Philippine Eagle na kulay blue at red, at ang tatlong bituin at araw na kita ang tatlo ring rays. Parehong yellow ang bituin at araw.

Italicized ang font na sumisimbolo sa forward motion ng Philippine basketball.

“The bolder look signifies strength and our disciplined direction,” dagdag ni Panlilio, governor din ng Meralco Bolts sa PBA.

Ang SBP logo ay disenyong basketball din, red at blue at may 3 stars na yellow.

Pareho-pareho ang logo na gagamitin ng Gilas Pilipinas Men, Gilas Pilipinas Youth, Gilas Pilipinas Women at Gilas Pilipinas 3×3.

“It’s more than a facelift,” panapos ni Panlilio. “Combined with the restructuring we are doing, we will continue to fined ways to bring the SBP to greater heights.” (Vladi Eduarte)