Abante Tonite Interactive

Panloloko ng Grab katumbas ng large scale estafa

By
0 2,417

Kumpirmado sa inilabas na desisyon ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang panloloko ng Grab.

Ito, ayon kay Pu­wersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, ay kaakibat ng ibinalandrang P10 mil­yong multa ng LTFRB laban sa Grab dahil sa overcharging.

Malinaw aniya na nagsinungaling at dinaya ng Grab ang mga mananakay.

Umaabot sa kabuuang 67 milyong biyahe mula Hunyo 2017 hanggang Abril 2018 ang naapektuhan ng illegal overchar­ging ng Grab.

“They have lied to and cheated their ­riders and have also endangered the livelihood of their ­partner-drivers. Their ­illegal acts are also tantamount to large scale estafa,” ayon kay Nograles.

Nagpapasalamat si Nograles sa mga sumuporta kaugnay ng mga ibinunyag nitong iregularidad ng Grab.

“I thank all those who supported this cause: this is a victory for consu­mer rights. Let this be a stern warning to Grab and all other companies to follow the law or be exposed and be held accountable,” dagdag nito.