Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pantay na trato! – Kawhi, iba pa

0 287

Malakas, direkta ang mensahe ng NBA sa opening night ng restart sa Orlando nitong Biyernes.

Pinakita ng apat na teams na naglaro sa unang gabi ng reboot ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagluhod.

Sa pangalawang laro, lumuhod ang magkaribal mula Los Angeles na Lakers at Clippers sa national anthem bago ang matchup.

Mula kay LeBron James hanggang kay Kawhi Leonard, pati sina coaches Frank Vogel at Doc Rivers – nakaluhod sa court. Nakisabay ang staffers at referees.

Si LeBron, tumaas pa ang kamao.

Locked arms na lumuhod ang Utah Jazz at New Orleans Pelicans habang pumapailanlang ang The Star Spangled Banner sa loob ng bakante sa fans na arena.

Paraan nila ito para ipakita ang suporta sa mga humihingi ng racial justice at equality.

Iba-ibang mensahe sa jerseys at sneakers ang dinisplay hanggang sa anthem.

Kanya-kanyang pahayag ng statement sa paghingi ng social justice.

Lahat ng teams, nakasuot ng itim na Black Lives Matter shirts at pumuwesto sa likod ng BLM art sa center court. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.