Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pantay-pantay na karapatan sa mana

0 122

Dear Atty.,

Ma’am gusto ko po humingi ng advice sa inyo. Ano po ang dapat namin gawin? Ang may ari po ng lupa ay mula pa sa mga magulang ng aming lolo. Sa ngayon po , may sabi sabi na nakapangalan ang lupa ngayon sa panganay na kapatid ng lolo ko na sa ngayon ay matagal ng patay. Si lolo na lang ang naiwan. Ang gusto ko pong malaman may posible bang may mana si lolo sa lupang iyon? Ano po ba ang mas matimbang ang anak ng kapatid ng lolo ko na minsan ay hindi na bigyan ng parte sa lupang iyon o ang lolo ko na Bago namatay ang kanyang kapatid ay humingi ng parte sa lupang iyon.

Gusto ko pong humingi ng kasagutan sa inyo. Kung ano po ang aksyon na pwedeng gawin para mapaglaban ang karapatan ng lolo ko.

Salamat po,

Ellaiza

Ms. Ellaiza,

Siguraduhin mo muna kung sino ang tunay na may-ari ng lupa? Magsasagawa ka ng tracing back. Dapat mong malaman kung paano ito napunta sa kapatid ng lolo mo.

Kung totoong ang mga magulang ng lolo mo ito dati nakapangalan ay dapat na hatiin ang lupa ng pantay- pantay ng ng lolo mo at ng mga kapatid niya. Walang pag- uusapan kung sino ang matimbang dahil pantay pantay maghahati ang mga anak ng great grandparents mo.

Kung ang lupa ay nakapangalan naman talaga sa kapatid ng lolo mo ay mahihirapan kayong humabol maliban lamang kung mapapatunayan ninyo na iligal ang paglipat ng pag aari sa pangalan niya. Kung totoong lupa ito ay ipinangalan lang sa kapatid ng lolo mo ay bakit di nila ito inilaban noon pa? Magiging isyu ang tagal ng pag aksyon ninyo kapag nagsampa kayo ng kaso. Pero ilaban ninyo ang dapat ilaban basta may ebidensya.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com Please subscribe to my youtube channel Ito ang Batas with Atty. Claire Castro.

Leave A Reply

Your email address will not be published.