Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panty pinakyaw ng shoplifter na misis

0 206

Kulungan ang bagsak ng isang ginang makaraang mabuking ang pagsa-shoplift nito sa isang malaking mall sa Mandaluyong City kamakalawa.

Nahaharap sa kasong theft thru shoplift si Mary Grace Pascua y Santos, 34-anyos matapos maispatang nagsisilid ng mga assorted items sa loob ng isang department store sa Barangay Wack-wack, Mandaluyong City.

Bandang 12:45 Martes ng hapon nang arestuhin ang suspek matapos magsampa ng reklamo si security guard Dexter Hipulan y Banez, representative ng mall.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang Diana curtain na nagkakahalagang P550; at ang pinakyaw na apat na pack ng Sorella underwea at 2 Little Secret underwear.

Bukod pa rito ang 1 pack dove soap P160.00; 3 piraso ng Surprise Hairvibes at 3 Islander Slipper.

Ayon sa report, napansin ang kahina-hinalang kilos ng suspek habang nag-iikot sa loob ng department store hanggang sa maaktuhan ng civilian security guard na nagsisilid ng mga items sa loob ng dala nitong eco bag.

Hinanapan ito ng resibo paglabas at nang walang maipakita ay dinala ito sa Mandaluyong Police Station. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.