Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panukala kontra fake booking aprub sa Senado

0 50

Inaprubahan na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong parusahan ang sinumang gagawa ng mga hoax order, pagkansela ng mga kumpirmadong order at pagtangging tanggapin ang mga hindi pa nababayarang order.

Nakasaad ito sa Committee Report No. 273 na inihain ni Senate Committee on Trade Commerce and Entrepreneurship chair Koko Pimentel III.

Sakop nito ang paghingi ng mandatory reimbursement scheme sa mga delivery service provider pabor sa panig ng mga delivery rider sakaling may customer na magkansela ng mga order.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Pimentel, kasunod ito ng kaliwa’t kanang insidente ng mga fake booking na iniuulat sa social media.

“The recent incidents of fake booking and hoax orders are quite alarming. Those acts must be criminalized. Nagtatrabaho ang ating mga rider nang maayos. ‘Yong iba ay inaabot pa ng madaling-araw sa kalye para kumita ng pera. Hindi sila dapat niloloko.” (Zaerus Mariano)

Leave A Reply

Your email address will not be published.