Abante Tonite Interactive

Panukala sa mga nuisance bet ‘di anti-poor – Gatchalian

By
71

Nilinaw ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi ‘anti-poor’ ang kanyang panukalang maparusahan ang mga nuisance candidates na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (coc) para sa susunod na halalan.

Sa inihaing Senate Bill No. 911, nais nitong mapanagot ang mga indibiduwal na pinaglaruan umano ang proseso ng paghahain ng COC.

Aniya, hindi ito ­‘anti-poor’ dahil base aniya sa Konstitus­yon, walang pinipigilan na taumbayan ang tumakbo sa anumang posisyon.

“Hindi natin pipigilan ang taong-bayan mag-file. Puwede sila (ang mga mahihirap) mag-file kahit na ho anong position – senator, vice president, and president – they can always file,” sabi ni Gatchalian.

Sinabi pa ni Gatcha­lian na isasagawa lamang aniya ang penalty kung mapapatuna­yan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga tinatawag na nuisance candidates.

“Pero ang proseso, pagtapos mag-file, ang Comelec i-e-evaluate isa-isa ‘yan – kung sino-sino talaga ang legitimate at bonafide candidates na magli­lingkod sa ating bansa. The Comelec filters it. Kung sino ngayon ang tinanggal ng Comelec, siya ang mapapatawan ng multa,” sabi ng senador.