Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panukala sa single use ng plastic lusot na

0 88

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magre-regulate hanggang sa tuluyan ng ipagbawal ang produksyon at paggamit ng single-use plastic sa bansa.

Ang panukalang Single-Use Plastic Products Regulation Act (House Bill 9147) ay nakatanggap ng 190 boto sa Kamara noong Miyerkoles ng gabi.

Sa ilalim ng panukala, ang mga non-compostable single-use plastic product gaya ng drinking straws; stirrers; sticks for candy, balloon at cotton bud; buntings; confetti; at packaging o bag na ang kapal ay hindi lalagpas ng 10 microns ay ipi-phase out sa loob ng isang taon.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P1 milyon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.