Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panukalang batas ni Rep. Romero pasado

0 141

Sa botong 241-7-1, tuluyan nang nakapasa sa 3rd at final reading ang isa sa prestisyosong panukalang batas ni Deputy Speaker at 1Pacman Rep. Mikee Romero sa Kamara kahapon.

Ito ay ang House Nill No. 5989 o “Department Disaster Resilience (DDR)” na magbibigay ng malaking partisipasyon sa paghahanda sa anuman mang kalamidad ang maaring dumating sa bansa.

“Kailangan po ito ng ating bansa, na nais kong hilingin sa ating mga kasamahan sa Senado na mapag-aralan at maipasa agad upang tayo ay maging handa sa ano mang sakuna. Lalo pa ngayon at tayo ang dumadanas ng pandemya sa bansa. Mas lalo natin dapat paghandaan ang kalamidad,” pahayag ni Rep. Romero na kasalukuyan ay umabot na ng 702 ang panukalang batas.

SM food to go Banner Ad

Ang DDR ay pamumunuan ng isang miyembro sa gabinete na siyang tututok sa paghahanda gamit ang sariling budget para mapatatag ang paghahanda ng bansa sa ano mang kalamidad na maaring magdulot ng kapahamakan sa mamamayan ng bansa.

“Kailangan natin bigyan prioridad ang paghahanda sa mga kalamidad at sakuna sa bansa na makakaapekto ng malaki sa ating bansa, lalo na sa mga nasa mababang antas na ating mga kababayan. Kailangan nila ng proteksyon tulad ng evacuation center o mabilisang tulong mula sa gobyerno,” dagdag ni Romero.

Kasabay nito, nagpaabot din ng pasasalamat si Rep. Romero sa mga kasamahang mambabatas at kay House Speaker Alan Peter Cayetano para sa pagpasa nito sa Kongreso na magiging malaking tulong sa bansa at ekonomiya sa oras ng kalamidad kung saan ito ay nabanggit din ng Pangulong Rodrigo Duterte na nais maisulong sa lalong madaling panahon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.