Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panukalang LPG safety law lusot na sa bicam

0 34

Matapos ang 18 taon at pitong Kongreso, magiging isa nang ganap na batas ang panukalang regulasyon para sa industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magsisiguro sa kapakanan at interes ng mga konsyumer laban sa mga iligal na paraan ng pag-refill at mga mababang kalidad at depektibong tangke.

Ito’y matapos aprubahan sa bicameral conference committee kamakalawa ang panukalang LPG Industry Regulation Act na magtatakda ng alituntunin at pamantayan na dapat sundin ng mga domestic industry players, pati na rin ang pagtatatag ng cylinder exchange and swapping program na magpapahintulot sa mga konsyumer na makabili ng LPG kahit na iba ang brand ng dalang tangke.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ngayong may napagkaisahang LPG bill na tayo para pamahalaan ang buong LPG industry, mapupunan na nito ang mga regulatory gaps na naging balakid sa mga industry players at mapapalakas pa ang iba’t ibang mga regulasyong ipinatutupad ng gobyerno,” ayon kay Senador Win Gatchalian, chairman ng Senate Energy Committee. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.