Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Panukalang pambansang museo ng mga Pinay umusad

0 32

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagtatayo ng pambansang museo ng mga Pilipina.

Ang panukalang National Museum of Filipino Women Act (House Bill 1033) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting.

Sa ilalim ng panukala, itatayo ang isang museo kung saan ilalagay at iingatan ang mga bagay, memorabilia at iba pang bagay na nagpapakita ng kabayanihan ng mga babae at ang kanilang kontribusyon sa bansa.

SM food to go Banner Ad

Ipakikita rin dito ang mga hakbang na ginawa upang malabanan ang diskriminasyon, opresyon at karahasan laban sa mga babae.

Ang museo ay isasailalim sa Philippine Commission on Women. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.