Abante Tonite Interactive

Panyo ng mambabatas pinandirihan

340

Kilala ang mambabatas na may mabahong hininga at palaging tumatalsik ang laway kapag nagsasalita.

Kaya naman marami ang umiiwas sa kanya lalo na kapag kaharap at kinakausap.
Isang beses, nabahing daw ang mambabatas kaya’t agad niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng pantalon.

Marami ang nakakita na lukot-lukot na ang panyo at mistulang dinaanan ng bagyo.

Makikita rin ang pagkabasa nito, marahil ay dahil sa kapupunas ng laway sa kanyang bibig.

Nandiri nga raw ang mga taong nakakita nito at nangakong hindi makikipagkamay sa mam­babatas.

Clue: Ang mambabatas na pinandirihan ang panyo ay kilalang bigatin sa kanilang lalawigan. May letrang D sa kanyang pangalan, as in Dura.