Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAO lawyer natagpuang dedo sa gilid ng ospital

0 84

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon o sadyang nahulog mula sa ika-anim na palapag ng ospital ang isang abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) na nagpapagamot sa COVID-19.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit dakong alas-4:35 ng hapon nitong Setyembre 5 nang matagpuan ang nakahandusay na duguang katawan ng 44-anyos na PAO Lawyer, sa gilid ng Commonwealth Hospital Medical Center na matatagpuan sa Neopolitan Business Park, Regalado Hi-way, Brgy. Greater Lagro.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg, Julius P Raz, na-confine umano ang PAO lawyer sa isang silid sa ika-anim na palapag ng nasabing ospital noong September 4 nang makitaan ng sintomas ng COVID- 19.

Ayon sa guwardiyang si Renato Mancol, abala umano siya sa pagro-roving sa paligid ng ospital nang maispatan ang duguang biktima kaya agad niyang ini-report sa mga doktor.

Agad na dinala ng mga duty doctor ang biktima sa tent-2 ng nasabing ospital subalit binawian ito ng buhay bandang alas-5:05 ng hapon. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.