Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PAO masaya sa tagumpay ng minaltratong katulong

0 122

IKINAGALAK ng Public Attorneys Office (PAO) ang pag-angat ng Korte Suprema sa kaparusahan para maging habang buhay na sintensiya laban sa mag asawang amo kasunod ng pag lapit sa PAO ng isang pinagmalupitang katulong.

Sa idinaos na virtual press conference kahapon (July 12) sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Acosta na nagpataw na ang Supreme Court ng life imprisonment laban kay Reynold Marzan, na itinuturong katuwang ang asawang si Anna Liza sa pagmaltrato at umabuso sa katulong na si Bonita Baran sa loob ng tatlong taon sa kanilang tahanan sa Quezon City simula noong 2009 hanggang 2012.

Napag-alamang ibinasura nitong Pebrero 10 ng second division ng Kataas-taasang hukuman ang apela ni Anna Liza Marzan, asawa ng suspect na si Reynaldo para baligtarin ang kanilang habambuhay na sentensya kasunod ng pagkamatay ng akusadong asawang si Anna Liza dulot ng sakit sa kidney.

“Bonita, you (completely) won,” saad ni Acosta sa biktima na kanyang iprinisenta sa virtual news conference.

“We are here to protect the welfare our aggrieved house help,” saad pa ni Acosta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.