Abante Tonite Interactive

PAO tutulungan ang mahuhuling tambay

By
2,828

Iginiit ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na sa barangay na lamang dalhin ang mga nahuhuling mga tambay sa halip na sa pre­sinto at iharap na lamang sa mga opisyal ng barangay.

Ang pahayag ay ginawa ng hepe ng PAO kasunod ng nangyaring pagpatay kay Genesis ‘Tisoy’ Argonci­llo, na nahuling lumabag sa city ordinance at namatay habang nakakulong sa Quezon City, at tiniyak na tutulungan ang mga kaanak ni Tisoy.

“Kahapon pa nagre-request sa PAO ng re-autopsy ‘yung family kasi hindi nila napansin sa death certificate, akala siguro nila hindi ma-indicate ‘yung mga tanda ng ikinamatay. Sabi ko tutulungan ng Public Attorney’s Office sa pamamagitan ng ating Quezon City PAO lawyers, kung kailangan,” ayon kay Acosta.

Nakalagay umano sa death certificate ni Argonci­llo na namatay siya sanhi ng multiple blunt force trauma sa leeg, ulo at dibdib.

Una nang naaresto si Tisoy sa ilalim ng ipinatutupad na Oplan Tambay ng pulisya, ang paghuli sa luma­labag sa mga lokal na ordinansa tulad ng pag-­inom ng alak sa kalsada, curfew, paninigarilyo sa pampublikong lugar at iba pa.

Hinikayat din ni Acosta ang mga kaanak ng mga naaresto na kaagad na dumulog sa PAO para kaagad silang mabigyan ng tulong.