Abante Tonite Interactive

Paolo, akala ay sa BEST ACTRESS siya nominado

By
11

KABOG!! Best Actor si Paolo Ballesteros sa 29th Tokyo International Film Festival para sa kanyang transgender role sa Die Beautiful.

Ang direktor ng pelikula na si Direk Jun Lana ang umakyat ng stage para tanggapin ang tropeo, tapos ay biglang lumabas si Paulo na nandu’n pala sa Tokyo to personally accept his award.

Julia Roberts ang peg ng hitad sa awards night, na sa kanyang speech ay nagbirong akala niya ay red carpet event kaya siya nag-dress ulit.

Nag-joke pa siya na ang akala niya ay sa Best Actress category siya nominated.

“I would like to thank the Tokyo International Film Festival and the members of the jury for embracing our film.

“To the organizers, to the programmers, to the volunteers, you have been very helpful and gracious to us during our stay here in Japan.

“To the man behind the film, Direk Jun, thank you very much for entrusting to me Trisha’s character…

“To my family, my daughter Keira, my cats and my dogs, this is all for you,” ang sabi ni Pao sa kanyang acceptance speech.

May pasorpresa ang hitad dahil maging sina Direk Jun pala ang company ay hindi alam na pina­balik ng Japan si Paolo (na single entry lang ang nakuhang working visa, tapos ay bumalik siya ng ‘Pinas para sa Eat Bulaga) dahil pinag-stay ito sa ibang hotel ng filmfest organizers.

At least, hindi niya na-miss ang bonggang moment niya na ‘yon na tanggapin ang kanyang first ever international acting award para sa isang pelikulang very personal sa kanya at grabe ang dusang pinagdaanan niya.

CONGRUCH, PAO!!!

PINOY PRIDE!!! TARUZSH!!!