Abante Tonite Interactive

Paolo at Joem walang ilangan sa kama

By
3,452

Ang paparating na pelikula ni Paolo Ballesteros, ang My 2 Mommies, ang magpapatotoo na siya talaga ang Millennial Vilma Santos at hindi forever number 2 sa Millenial Nora Aunor, si Vice Ganda.

Malaki ang nakasalalay sa pelikula ni Pochoy, lalo na sa usaping box-office supremacy dahil nga ang huling dalawa niyang pelikula, ang Barbie D’ Wonder Beki at Amnesia Love, may persepsyon at pana­nalig ang madlang pipol, hindi ang dabarkads at balana, na under per­formers­ sa takilya.

Kahit pa nga sabihing kasama niya rito si Solenn Heussaff, na wala pa rin namang major, major box office draw, at kahit pa nga tiyak na susuporta ang mga Maricelians dito, dahil may special participation rito ang Diamond Star Ms. Maricel Soriano, si Ballesteros pa rin ang carrying the weight of the whole movie. Hindi kaya umurong ang bayag ni Paolo sa bigat ng kanyang dinadala? Ay, knowin­g him, laban kung laban iyan, hindi babawi noh!

Para kay Paolo, ang Eric Quizon directed movie ay, “Special sa akin itong pelikula na ito kasi hawig ng very light sa tunay na buhay ko. Hahahaha! And this is a mother’s day movie.­”
Oo nga naman, lahat ng pinapalabas na pelikula tuwing panahong ito, patok sa takilya, huh! Kaya malaki ang chance na more chances of winning ito.

Sa tunay na buhay, babae ang anak ni Paolo. Sa pelikula, ang anak nila ni Heussaff ay ang batang aktor na si Marcus Cabais.

Paglalahad ni Bal­lesteros, “Marcus is a very good actor considering this is his first movie pa. Ma­galing makinig sa mga direction ni Direk Eric, and hindi nauubusan ng energy!”
Ano ba ang mahirap palakihin, anak na babae o anak na lalaki? Sagot agad ni Pao, “Ay! Thank you very much for that wonderful question na pala. Hahaha! I believe. may ganu’n?

Hahahaha! Sa totoo lang, parehas lang sigurong mahirap kasi nga makukulit ang mga bata. Mas mahihirapan lang siguro ako mag-let go kay Keira ‘pag dumating ‘yung age niya na magbo-boyfriend at mag-aasawa. Alam ko may emotional impact sa akin ‘yung mga pagkakataon ‘yun. May nerbiyos at tuwa siyempre. Pero that’s life. Matagal pa naman ‘yun.”

Si Joem Bascon ang leading man niya sa pelikula. Sa mga maricon, manalig kayo sa isisiwalat ng diva that you love, pakiabangan kung bakit in the nearest future, maaarin­g Erection King ang maging title ni Bascon, huh! Sa ngayon, kiligin muna tayo sa kanyang daddy-daddy sa pelikula nila ni Paolo.

Para sa isa pang mommy, “Si Joem was very professiona­l nu’ng shoot. Na­kasama ko na siya sa mga gimiks before pa kaya wala na kaming hiya-hiya o ilangan pagda­ting sa pagtabi sa iisang kama. Hihihihi.”

O ‘di ba, parang kinikilig siya. Eh kamusta naman ang lalaking tila nagpapakilig sa iyo for real, si Sebastian Castro?

Ang reaksyon ni Paolo sa ta­nong, “Ay! Hahahahaha! Can you please repeat the question. May I request for an interpreter, please. Hahahaha. Huwag na muna ‘yun. Labyu!”

Jinkee binara ang kudaera

May isang kuda ang follower ni Jinkee Pacquiao na ganito, “When you post without branded clothes, shoes and bags, your witnessing for Jesus seems more sincere, because they don’t concentrate on the expensive stuff, but the free gift of salvation from our Lord Jesus Christ.”

Ang very good na hanash ni Ms. Jinkee sa kanyang follower, “The heart of the matter is the matter of the heart. It’s between you and the Lord. All we can do is to love God and others.”

Si Kudaera naman kasi, pakitandaan mo na lang ang mga linya ni Shane sa Saan Darating Ang Umaga, “Wala sa kulay ng damit ang pagmamahal. Nasa puso, nasa utak!” at hindi nababawasan ang pa­giging maka-Diyos mo o ang pagiging matulu­ngin mo sa tao kung laging “branded” ang suot mo. Hindi dapat hinuhusgahan ang tao dahil sa superficial.

O, ‘di ba, ‘yan ang na­nay, kabogera ang hanash mo Ms. Jinkee pero panalo ang impact.