Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paolo ayaw ilaglag ang sikat na aktor

0 235

NI: ARCHIE LIAO

Magmula nang isiwalat ni BB Gandanghari ang kanyang naging nakaraan sa sikat na aktor, hindi pa rin tinatantanan ng netizens, lalo ng LGBT community ang una.

Negatibo kasi ang naging reaksyon ng mga tao sa kanyang rebelasyon tungkol sa actor.

Inaakusahan pa nga si BB (dating Rustom Padilla) na ginagamit lang ang sikat na aktor para pag-usapan siya at ang kanyang vlog.

Nang matanong naman si Paolo Ballesteros sa panlalaglag ni BB sa sikat na aktor. umani siya ng papuri.

Aniya, hindi raw tama ito lalo na’t matagal nang nananahimik ang tao at bahagi na ito ng nakaraan.

Dagdag pa niya, sa kaso niya, kung magkakaroon daw siya ng karelasyong kapwa aktor, makaaasa itong ligtas ang kanilang sikreto dahil hindi kiss-and-tell ang Eat Bulaga! co-host.

Proprotektahan daw niya ito dahil hindi siya iyong tipong nanlalaglag ng karelasyon lalo na kung may pinagsamahan sila . Bukod ditto, kapwa sila may reputasyong pinangangalagaan.

Advice pa niya, kung totoo man daw ang lahat, dapat ay move on na lang si BB dahil walang buting maidudulot ito sa kanila, lalo pa’t hindi naman siya inagrabyado noong tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.