Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paolo binuking ng boy toy

0 489

“Bawal Na Game Show” ang isa sa mga bagong palabas sa TV 5 na sina Paolo Ballesteros at Wally Bayola ang hosts sa palatuntunan with a major, major.

The more na sinusunod mo ang mga hindi dapat gawin, more chances of winning ka, huh!

Sa promo clip para sa kanilang programa, in full drag queen mode ang magkaibigan sa kanilang guesting sa show ni Raffy Tulfo. Ang mga hitad, ang look and styling, parang tribute kay diva of the highest order Diana Ross at Josie and the Pussy Cats, sa true lang. Walang effort. Hahahaha.

Ang may effort, ang chika tungkol sa pagmamahal at romansa ba, bawal pa rin kay Ballesteros? Erase na sa linking equation si Wally dahil nga pamilyado at may asawa na. Dapat forgiven or forgotten niyo na rin ang naging masalimuot niyang romansa sa kung sino man dati, di ba?

Eh sa the Transformation Queen, marami pa rin ang excited at intrigued kung sinong prinsipe ang makakasungkit sa kanyang puso.

Maliban sa marami ang natuwa sa paglabas ng larawan ng mommy of his daughter, mas marami ang arouse ang curiosity dahil nga may isang homme na ang claim, nag direct message sa kanya si Ballesteros sa IG. In fairness to the twink na starting with the letter C ang name, kung ikaw ay berdaderang rice queen, ang masasabi mo agad, masarap siya, huh.

Bakit masarap? May dalawang hubad barong photos kasing kalakip sa not so secret pink portal kung saan makikita ang hulma ng katawan ni boy toy C. Makinis, walang bahid, at sa mga may karug fetish, panalong-panalo ang treasure trail nito, sa true lang.

Ang tanong, hindi naman kaya poser ni Paolo ang sumulat kay twink C? At ito namang homme, bet rin magpasikat sa tropa kaya pinangalandakan niya agad na si Ballesteros nga ang nagmensahe sa kanya? Gusto ba ni young man C na magpaka-peymus? May starlet aspiration o another sampling of a man na kayang magpaka-fame whore? Ang savage. Hahahaha!

Wala namang masama if Paolo wants a fine romance. Hindi naman bawal sa kanya lang. Nakakapagduda lang talaga ang circumstance na ito. Lagi kasing careful si Ballesteros sa mga bagay na ganiyan. At hindi rin naman niya tinatanggi. Sa tamang panahon, magkaka-alaman naman kung totoo nga ang “claim” na ito mula sa lalaking panatilihin muna nating the WHO.

Shamcey nagpakatotoo sa pandemya

Kahit pala ang beauty queen turned glamour momma and loving wife na si Shamcey Supsup-Lee, may anxiety at panic attacks rim dahil sa pandemya. Ang kanyang pahayag sa IG: “This pandemic took away so many things from us; our livelihood, our businesses, our security and the lives of our loved ones. It has given me so much anxiety the past few days especially when it comes to our finances. But seeing this photo, reminded me of the real wealth that no amount of money can buy.”

At ang photo na sinasabi ni Shamcey, makikita ang happy family portrait with hubby dearest Lloyd Lee and daughter Nyke and son Nathan.

Hang on Shamcey. Continue to be courageous, calm, faithful and hopeful. Cliché it may seem pero what is happening to us all, matatapos rin. This too, shall pass. Ika nga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.