Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paolo buko sa resibo

0 415

NI:ARCHIE LIAO

Hindi pa humupa ang kontrobersya kay Paolo Contis.

Lalo pang nabaon dahil sa resibo na ikinalat ng mga netizen.

Sa nasabi kasing litrato na kumalat, makikita siyang binabakunahan ng isang medical frontliner sa kanya mismong post.

May caption itong : “Vakunado! Thank you, Caloocan. Magpabakuna na kayo, guys!”

Ang petsa ng kanyang post ay Agosto 9.

Matatandaang sa text message ni Paolo kay Ogie Diaz para sa vlog ng huli, idinenay nito na nasa City of Pines sila ni Yen Santos noong 28th ng Agosto.

Ayon pa kay Paolo, naloloka raw siya sa mga alegasyon sa kanya ng netizen.

Sey pa niya, paano raw mangyayari iyon gayong noong nasabing petsa ay nagpabakuna raw siya sa Caloocan.

Tapos noong Agosto 30 raw ay may taping siya sa Bubble Gang at noong Setyembre 3 naman ay may taping siya ng Dear Uge.

Naghihimutok pa siya na sa dami raw nang nagpa-picture sa kanya noong Agosto 28 ay wala man lang nag-post sa social media para makapagpatunay na nagpabakuna siya nang araw na iyon.

Sa pangyayaring ito, nakokorner siya ng mga netizen.

Pagtatanggol naman ng ilan, baka raw naman second dose na niya iyong Agosto 28.

Kinontra naman ito ng iba at sinabing walang bakuna na 19 days lang ang interval ng first and second dose.

Bukas ang pitak na ito sa panig ni Paolo sa usaping ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.