Abante Tonite Interactive

Paolo ‘di naniniwalang dyutay si Sebastian

By
4,977

Secret!” Ang Natatawang sagot sa amin ni Paolo Ballesteros nang ipakumpirma namin sa kanya kung totoong sila na ni Sebastian Castro.

Natawa ulit si Paolo nang hiritan namin na obvious namang may something sila ni Sebastian kahit hindi niya aminin.

Nakita silang magkasama kamakailan sa La Union kung saan may hos­ting raket si Paolo.

Abante Hiring – IT dep

Dyowang-dyowa ang peg ng Peruvian model-singer na super-wait ito hanggang sa matapos ang trabaho ni Paolo.

May Instagram post si Seb ng bouquet of roses na may card na, “Happy 2nd, my root word. I love you.”

Mahilig sa mga pa-monthsary kemerut si Paolo. Kahit nu’ng sila pa ng huling karelasyon nitong dancer na si Roland Ochoa Anog ay may mga pa-monthsary epek sila.

Tapos ay emowt-emowtan si Pao nang mag-break sila ng dyowa-dyowaan niya.

Medyo nagulat ang netizens nang mag-comment sa bouquet of roses post ni Seb ang ex-boyfriend nito na si Ryan Chua ng tatlong heart emojis.

Mukhang naka-move on na sila pareho at friends sila dahil sinagot ito ni Seb ng, “Catch up soon, Ry,” na may kasama ring heart emoji.

Four years din ang na­ging relasyon ni Seb sa dating TV Patrol reporter. Very open sila sa publiko nu’ng sila pa.

Si Paolo ay panay ang like ngayon sa mga IG post ni Sebastian. May pa-kiss emoji pa itong comment sa isang selfie ni Seb.

At in fairness ay nagpi-paint na rin ngayon si Seb, na obviously ay impluwensiya ni Paolo na nahihilig recently sa resin painting.

Ang sabi ni Seb sa post nito, “I haven’t painted in several years, but lately, it’s all I want to do. Call it inspiration.”

Pa-girl ang Paolo nang kantiyawan namin na siguradong panay ang chorvahan nila ngayon ni Sebastian, na very open sa sexuality nito at walang keber sa nudity.

Nang hiritan namin si Pao na may tsikang dyutay si Seb, ang mabilis na sagot nito sa amin ay, “At sinong may sabe??? Ha! Ha! Ha!”

“‘Yun ang tsika ng mga beks, eh!” buwelta namin kay Pao.

“Hindi ako naniniwala! Ha! Ha! Ha! Ha!” halakhak pa ng harotchai na bida ng My 2 Mommies ng Regal Films. Showing ito sa May 9.

‘Buntis agad wala pa ngang kiss’ – Moira 

Hangkyut ng reaksyon ni Moira dela Torre sa tsikang buntis siya kaya niyaya na siyang pakasal ng boyfriend niyang si Jason Marvin Hernandez.

“Chubbs lang po me,” ang cute na tweet ni Moira, kalakip ang tweetpic ng sinulat ni Tito Roldan Castro dito sa TONITE.

Natatawang caption ng millennial singer-songwriter sa nasabing wri­teup, “Buntis agad wala pa ngang kiss!!!”

May kuwelang caption pa siya na mas mukhang buntis si Jason kesa sa kanya. At sey niya pa, “Sige na nga, magda-diet na ako.”

Tweet ng fans kay Moira, huwag siyang magda-diet dahil maganda siya kahit chubby siya.

For her supporters ay perfect si Moira as she is, kahit pa chubby ang kanyang cheeks.

May humirit pa na food daw ang laman ng tummy ni Moi.

Very touching at nakakaiyak ang surprise proposal na ginawa ni Jason sa Tagpuan music video ni Moi na dinirek ni John Prats.

Nakakaaliw rin ‘yung reaksyon ng manager ni Moira na si Erickson Raymundo na, “Huwag munaaaa!!’ ang sagot nito sa tanong ni Jason kay Moi na, “Will you marry me?”

Siyempre ay ngayon lang kasi bumobongga ang singing career ni Moira at 24-anyos lang ito.

Pero siyempre, hindi tumutol si Erickson sa kagustuhan ng dalawa at seriously ay happy raw siya for the newly-engaged couple.