Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paolo, Enchong, Martin bibida sa kaso ni Christine Dacera

0 228

Isang produrer ang gustong gawan ng pelikula ang mga flight attendant na sangkot sa how do you solve a problem like Christine Dacera.

Pangmalakasang trending topic na naman sa Twitter ang ngalan ni Dacera dahil nga sa panibagong medico legal report na nagdeklara kung ano ang cause of death nito.

Ang producer, kaya gustong gawin ang buhay ng mga FA ay dahil naawa siya sa mga ito lalo na nga’t they ewere forced to declare their sexual orientation and preference na lambasted to high heavens. They were made to appear like wolves in sheep’s clothing.

Pakiwari ni producer, ang paggamit sa mga FA ay isang pangmalakasang pag-atake sa mga bakla sa Pilipinas na para bang walang damdamin at mga pag-iisip ang mga ito, na pwedeng-pwede silang gawing mga escape goat at pagbintangang guilty na agad-agad kahit hindi pa sapat ang mga ebidensya.

Sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, Christian Bables, Enchong Dee, Teejay Marquez at Enzo Pineda ang naglalaro sa utak ng producer na i-cast sa pelikulang may tentative title na “The Party.”

Parang bagay na bagay sa mga male actor of choice ang maging straight acting na mga bading, huh, Dapat kay the Other Queen P ibigay ‘yung role na anak ni Claire dela Fuente who outed humself on national television, huh. Best acting challenge for Ballesteros yun tiyak.

Ang “The Party” is a different and more humane take sa mga FA para naman ang tarnished image na created by the spin masters of this much celebrated case ay mabura at mabago.

No mention at hindi makikita at all si Dacera sa pelikula at balita ko pa gagawing epilogue ang huling kaganapan tungkol dito.

@@@

Jane bagong love ni Coco

Totoo nga ang bulong mula sa aking impeachable source. Yassi Pressman is so out of “FPJ’s Ang Probinsiyano” with her character Alyanna figuring in a tragic ending na siyempre winner na winner ang digits na garnered sa digital universe.

Ngayon, enter frame na si Jane de Leon bilang si Police Captain Natalia Mante.

Obviously, hindi damsel in distress rin ba siya Jane dahil ang kanyang katauhan ay kasali sa special elite force na ang tawag ay Black Ops at sniper ang kanyang military expertise.

Kinabahan ba siya na siya na dahil siya ang bagong babae sa primetime action drama, siya ang sisihin at sasabihing may kasalanan kaya gone with the wind and lost in space na ang katauhan ni Alyanna?

At kung saka-sakaling magka-story arc na magiging loving-loving sila ni Cardo Dalisay, paano kaya tatanggapin ng mga hukbong Alyanna na si Jane na ang ‘bagong mahal’ ni Coco Martin?

Ready na rin ba ang soon to be millennial Darna sa bashing at hating? Paano nga kaya siya dedepensahan ni Rodel Nacancieno?

Ayon sa pamunuan ni Jane: “She is excited but a little bit nervous too with the idea of having to work with Coco Martin and the entire AP cast and production team the first time. Her impression of Coco was that he is gentleman and mabait. She hopes na walang comparison na magaganap. Alam niyang Cardo and Alyanna have so many solid followers and supporters. She just hope na magampanan n’ya ng maayos ang role nya at matanggap at mahalin din ng AP viewers ang character nya. And with the bashing, alam ni Jane na kasama na rin yan sa pinasok n’yang trabaho.”

Sa true lang, welcome addition si Jane de Leon sa longest reigning evening drama. Pag nakitang sparks will fly at super palpable ang chemistry nina Martin at Jane, a new power team up is born.

Leave A Reply

Your email address will not be published.