Abante Tonite Interactive

Paolo inamin ang gender kay Maricel

3,282

Sa kasalukuyang palabas sa mga sinehan na My 2 Mommies, marami ang tuwang-tuwa sa presencia, comic timing at wala pa ring kupas sa drama na si Maricel Soriano, ang nag-iisang Diamond Star.

Bilang tita na sa una ay in denial sa sexual orientation at preference ng katauhan ni Paolo Ballesteros sa pelikula, riot si Inay Marya sa eksenang kunwari ito ay hinimatay nu’ng ipinakilala sa kanya ang biological son.

Panalo rin siya sa dream sequence kung saan nagpapatalbugan si Pochoy at si Solenn Heusaff.

Pero ang pinakapanalo sa lahat, na dahilan kung bakit umagos ang luha ko, eh yung eksenang inamin ni Ballesteros kay Maricel ang kanyang pagkatao na nag-ending sa kanyang aria na, “Basta ang importante, masaya ka.”

May pusong bato lang ang hindi maantig sa napakagandang eksenang pinagsaluhan nina Paolo at Inay Marya. Maricel so deserves a motion picture na siya na muli ang bida.