Abante Tonite Interactive

Paolo indirect ang pag-out

By
3,592

SA grand presscon ng My 2 Mommies na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff, inurirat ng tanong ang aktor tungkol sa ‘coming out’ lalo pa nga’t nagbigay siya ng statement sa blog ni Maine Mendoza kamakailan na personal choice raw ang paglaladlad.

As we all know, Paolo has a daughter, si Keira Claire na 8 years old na ngayon at nag-aaral sa Baguio. Kaya naman natanong siya kung hindi ba struggle sa kanya ang pagiging isang ama.

“Unang-una, mahirap para sa akin ang magiging tatay kasi nasa Baguio, hindi ko kasama, nasa mommy niya. Pero of course, hindi ko naman nakakalimutan ang mga responsibilities ko bilang tatay, di ba?” paha­yag ni Paolo.

Abante Hiring – IT dep

Pero aminado rin siyang struggle rin talaga for him pagdating sa isang aspeto­ although aniya, very modern­ na rin naman ang mga bata ngayon.

“Especially, may social media and laging nanonood ng You Tube, I’m sure, alam nila ‘yung mga bagay na ganyan. I mean, hindi ko pa lang. . .wala pa naman siyang tinatanong. Unless na magtanong na siya, well, wala naman akong magagawa,” sey ni Pao.

Wala naman daw siyang itinatago sa anak niya at nakikita naman daw nito ang make-up niya at mga heels na as we all know ay ginagamit niya sa kanyang pag-aartista.

“I’m sure, naiisip na rin niya ‘yun na ‘ang galing naman niya mag-make-up. At bakit siya may mga heels?’” ang natatawang pang sabi ni Paolo.

Pero kapag dumating­ daw talaga ang araw na tanungin na siya talaga nang masinsinan ng anak ay magiging honest naman siya rito.

Natanong nga namin ang aktor kung ano ba talaga ang nararamdaman niya kapag natatanong siya about coming out at aniya, “pinapawisan, hirap na hirap”­ sabay-tawa.

Pero siya na rin naman mismo ang nakakapansin na parang sinasagot na rin naman niya indirectly ang mga tanong ng press tungkol sa kanyang kasarian.

Agree naman ang press na parang palapit na palapit na talaga ang pagdating ng ‘tamang panahon’.

“Wala naman akong itinatago, eh. Indirect lang. Pero hindi ako nagtatago,” sambit niya.

Samantala, kapansin-pansin na paseksi nang pasek­si ang mga nakakapareha ni Paolo sa pelikula. After Yam Concepcion sa ‘Amnesia Love’ ngayon ay ang pantasya naman ng bayan na si Solenn ang leading lady niya. How does he feel about it?

“Oo nga, eh, no? Nakakabanas, eh,” natatawa niyang sabi, “kailangan mga gorgeous, eh no? Eh di okay lang. Para it’s a tie kami, charot! Minsan, nakaka-insecure, eh. Kasi, ang ganda, eh.”

Pero puring-puri naman niya si Solenn dahil wala raw itong arte sa katawan kahit ‘It Girl’ ito at may lalim pa raw ang acting.

Showing na ang My 2 Mommies sa May 9 bilang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment mula sa direksyon ni Eric Quizon. Kasama rin sa pelikula sina Joem Bascon, ang child star na si Marcus Cabais and the Diamond Star, Maricel Soriano.

Solenn quiet sa socmed ‘pag nabuntis

SA nasabing presscon pa rin, dahil nga Mother’s Day offering ang My 2 Mommies, natanong naman si Solenn kung kelan naman siya magiging mom na rin.

“Ready naman ako for 3 years, kaso lang, ayoko pa. Pero like, financially, also confidence, with myself, confident na ako sa sarili ko na I can raise a human being.

“Kaso lang, hindi pa ti­ming ngayon. But we will eventually get there. At hindi ko sasabihin, hindi ako magtu-tweet or maga-IG pag nangyari ‘yun, baka (pag) 6 months (nang buntis), malalaman n’yo,” pahayag ni Solenn.

Dagdag niya, “next year, but not this year.”

Gusto raw niya if ever ay isang girl at isang boy lang while si Nico ay parang 4 kids daw ang gusto.

Hindi ba siya worried na baka masira ang sexy figure niya pag nagbuntis siya?

“Well, di naman nakaka-worry because there’s way of maintaining. Siyempre naman, makikita mo, like si Ina Raymundo, ilan ‘yung mga anak niya, mas fit pa siya kesa sa mga 20-year-old that you see, di ba?”

May mga ways naman daw para ma-maintain ang katawan at hindi pa rin naman daw niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos niyang manganak. Pero si­yempre, she’ll try naman daw her best para alagaan ang sarili niya at para maging healthy.

“Alam ko, may career would change, baka hindi na maging sexy ‘yung title ko or baka magiging sexy rin in a different way.”

Ang hipag niyang si Anne Curtis ay wala pa ring baby at hindi naman daw sila nag-uusap tungkol dito.

“Everyone is in their own time. So, kung gusto nila magka-baby, wala namang planning na ganyan. That’s their own course and their own future, so hindi ako nagtatanong sa kanila kung magta-try ba sila this year,” sey ng aktres.