Abante Tonite Interactive

Paolo, KAHANAY na sina Nora at Jaclyn

By
5

BEST ACTOR si Paolo Ballesteros sa Tokyo International Film Festival para sa pelikulang Die ­Beautiful.

Napaka-PRETTY ni Paolo sa pagtanggap ng award, huh?!

Ang pralala noong una eh sa red carpet lang siya babae-babaehan at sa ibang events like presscon & awards night ay magpapakalalaki siya.

Eh may mga nagsabi na mas kahawig ni Paolo si Ethel Booba kesa kay Angelina Jolie sa red carpet.

Kaya siguro sa awards night ay Julia Roberts naman ang peg niya.

***

BLESSING-IN-DISGUISE ang anim na buwang suspension ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga.

Dahil ‘pahinga’ muna siya sa kalyeserye at nagkaroon si Paolo ng oras para gawin ang dalawang pelikula, iyong Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend at itong Die Beautiful.

***

Post ni Perci Intalan sa Facebook, kahanay na ni Paolo ang “elite list of Filipino actors to win an award from a FIAPF A list festival:

“Nora Aunor, 1995 Cairo International Film Festival, The Flor Contemplacion Story.

“Eugene Domingo, 2013 Tokyo International Film Festival, Barber’s Tales.

“Therese Malvar, 2016 Moscow International Film Festival, Hamog.

“Jaclyn Jose, 2016 Cannes Film Festival, Ma’ Rosa.

“The FIAPF A list accredited competitive feature film festivals are Berlin, Cannes, Shanghai, Moscow, Karlovy Vary, Locarno, Montreal, Venice, San Sebastian, Warsaw, Tokyo, Tallinn, Cairo, Mar Del Plata and India (Goa).”

***

Nanalo ng Audience Choice award ang Die Beautiful sa Tokyo filmfest.

Balitang pagkatapos sa Japan, marami pang imbitasyon para sa ibang festivals ang natanggap ng pelikula ni Jun Lana.

Sana, mapanood muna ito ng mga kababayan natin sa darating na Metro Manila Film Festival.

***

Travel kete travel ang isang young male star.

Hindi siya matawag na aktor dahil may kababawan siyang umarte.

Wala siyang malaking project o big business pero living in style siya.

Hindi lang country kun’di continent hopping siya noong Undas break.

Grabe ring expensive ang ­kanyang hobby.

Ang tanong, saan kaya niya kinukuha ang kanyang resources? Totoo kaya ang balita na he is in the market at may gay benefactors siya?

Yes, may S! Kasi, plural!

Alam kaya ito ng ate-atehan niya?