Abante Tonite Interactive

Paolo, magmu-mujer sa red carpet pero BARAKO sa ibang events

By
11

EXCITED si Paolo B­allesteros sa pagsali ng pelikula niyang Die Beautiful sa Tokyo International Film Festival.

Kuwento ni direk Jun Lana, pitong looks ang ginawa ni Paolo sa pelikulang iyun.

Kaya malamang na isa sa mga nagawa niya sa pelikula ay iyun ang look na irarampa niya sa red carpet ng naturang international filmfest.

Balak ni Paolo na mag-mujer siya sa red carpet. Pinag-iisipan pa niya kung sinong Hollywood actress ang gagayahin niya.

Basta, mangangabog siya sa red carpet pa lang.

Sabi ni Direk Jun, sa red carpet lang daw rarampang nakaganu’ng look si Paolo dahil sa ibang events, dapat ay normal ang ayos niya at lalaking-lalaki na ito.

Barako!

***

Magkakasunod na ipalalabas ang mga pelikula nating may temang kabadingan.

Mauuna ang Third Party (Sam Milby, Zanjoe Marudo & Angel Locsin), na susundan nitong Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend (Dennis Trillo, Paolo Ballesteros & Anne Curtis) at Die Beautiful (Paolo Ballesteros).

Sabi ni Direk Jun, handa tayo sa mga ganu’ng pelikula at tanggap na rin ang LGBT sa ating moviegoers.

“Siguro maganda dahil mas magi­ging liberal tayo sa pagtanggap sa mga bakla, sa LGBT community,” pahayag ni direk Jun.

Hindi lang niya deretsahang masagot kung okay ba sa kanila na magkakasunod na mapapanood ang mga ganung pelikulang kabadingan.

Hindi kaya makaapekto sa kanilang pelikula na mauunang mag-showing ang The Third Party?

“Sana, magkatulungan,” safe na sagot ni Direk Jun.