Abante Tonite Interactive

Paolo, mangiyak-ngiyak sa ‘Beautiful’ success

By
8
Paolo Ballesteros
Paolo Ballesteros

HALOS maiyak sa tuwa si Paolo Ballesteros dahil topgrosser ang pelikula niyang Die Beautiful sa Metro Manila, ayon sa ini-release na official ranking ng 2016 MMFF.

After the official 10-day run ng filmfest ay #1 ang Die Beautiful sa Metro Manila, #2 ang Seklusyon at #3 ang Vince & Kath & James.

“More than the awards, box-office hit, maraming salamat sa bawat tawanan, luha at palakpak na ibinibigay n’yo sa aming lahat sa bawat pagtatapos ng pelikula!

“Thank you! Wooooh!!! Nakakaiyak!!!!” ang sabi ni Paolo sa social media post niya, na sa picture ay may suot na korona sa ulo ang karakter niyang si T­risha Echeverria nang mag-title ito sa isang beauty contest.

Ang bonggah ni Paolo dahil nanalo na siyang Best Actor at umaani ng papu­ri ang pelikula niya, heto’t blockbuster pa ang movie.

Proud na proud din siyempre kay Pao ang mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga, kaya lang ay hindi pa siya nakakapag-report sa show dahil nagpapagaling pa siya.

Mabuti na lang at may social media, na nagagamit niya para ipara­ting sa publiko ang mga gusto n­iyang sabihin, gaya nu’ng speech niya dapat nu’ng MMFF awards night na hindi niya nadaluhan.

Bago mag-Bagong Taon ay binisita ni Pao ang pinapagawa niyang bahay sa may Antipolo, na ngayon pa lang ay excited na siyang ipa-pictorial sa YES! magazine.

Hindi namin sure kung ilang araw pa siya bago tuluyang gumaling from something, pero hinihintay na siya ni Mother Lily Monteverde dahil gusto siyang bigyan ng victory party ni Mother.

Ang saya-saya ng Regal produ nang makausap namin nu’ng Wednesday night dahil lalong lumakas sa ta­kilya ang Die Beautiful dala na rin ng bonggang word of mouth.

Happy si Mother na nakabawi ang Regal Films sa Die Beautiful matapos ang masaklap na sinapit sa takilya ng Mano Po 7: Chinoy na naligwak sa filmfest.

Tinanong namin si Mother kung magkano ang budget ng Die Beautiful, pero nag-smile lang siya at sumagot nang “Secret!!”

Basta, bawing-bawi sila rito nina Direk Jun Lana at Perci Intalan. Extended pa ang showing ng movie, na by this time ay lampas P100M na ang kinikita sa takilya.

Sa sobrang tuwa ni Mother kay Pao ay gusto na niya ulit itong gawan ng pelikula.

***

Nag-react ang mga taga-Star Cinema sa Metro Manila ranking na inilabas ng MMFF dahil sila ang totoong topgrosser.

Para que raw na may Metro Manila at merong provincial ranking?

#3 kasi ang Vince & Kath & James sa MM samantalang sa provincial ay sila ang #1, tapos ay #2 ang Seklusyon at #3 ang Die Beautiful.

Pang-Metro Manila ang nasabing filmfest kaya may point na maglabas ng MM ranking ang MMFF.

And this year kasi ay mas concentrated ang festival sa Metro Manila dahil may mga probinsiya na tumangging magpalabas ng MMFF entries, unlike in the past na mas nationwide ang filmfest.

Walang inilabas na box-office fi­gures ang MMFF, pero ang Star Cinema ay meron (na later on ay tinanggal din nila sa kanilang social media posts).

Ayon sa pinost nilang Natio­nwide Gross Ranking (as of January 3, 2017) ay naka-P105M na ang VKJ, P98M ang Die Beautiful at P82M ang Seklusyon.

May kalayuan ang Ang Babae sa Septic Tank 2 (P45M), na sinusundan ng Saving Sally (P27M).

Bottom 3 ang Sunday Beauty Queen (P7.8M), Kabisera (P4.3M) at Oro (P4.2M).

Totoo ba ito?

Sa OFFICIAL ranking na inilabas ay consistent na pinaka-KULELAT sa MM at provincial ang Kabisera.

Kung patuloy sa pag-ariba ang pelikula ni Paolo Ballesteros (na malakas ang night audience) ay kayang-kaya nitong maagaw ang top spot nationwide mula sa Joshua-Julia-Ronnie starrer.