Abante Tonite Interactive

Paolo may ‘tulog’ kina Robin-Sharon

28

MARAMI ang nagwo-worry para sa back-to-back movie ni Paolo Ballesteros na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na showing na sa November 22 at Barbi: The Wonder Beki na showing naman sa November 29.

MARAMI ang nagwo-worry para sa back-to-back movie ni Paolo Ballesteros na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies na showing na sa November 22 at Barbi: The Wonder Beki na showing naman sa November 29.

Eh, kasabay pa ng solo movie ni Paolo ang Unexpectedly Yours nina Sharon Cuneta, Robin Padilla, Julia Barretto at Joshua Garcia na prodyus­ ng Star Cinema, kaya mala­mang daw na may ‘tulog’ ang Wonder Beki.

Nakakaumay raw kasi ‘yung may Paolo na sa November 22, may Paolo pa rin sa November 29. Sana raw ipagpaliban na lang muna ang showing ng Barbi: The Wonder Beki.

Pero mukhang hindi naman takot ang producer­s ng solo movie ni Paolo dahil todo rin sila sa promotions.

Mommy Guapa madalas pa ring umiyak

AFFECTED pa rin daw si Mommy Guapa sa maagang pagpanaw ng anak na si Isabel Granada, pero natutuwa ang isang malapit sa nanay ng yumaong actress/singer dahil hindi naman ito basta nagmumukmok na lang sa loob ng kanyang bahay sa isang village sa may Binangonan, Rizal.

Lumalabas na rin daw kasi kahi paano si Mommy Guapa. Noong isang araw raw, may binili pa ito sa isang grocery at nakipagkita sa isang kaibigang dumalaw sa kanya.

Related Posts

“Mangiyak-ngiyak pa rin si Mommy Guapa, pero pinipigilan niya,” sabi ng kausap namin.

‘Yung tungkol sa pagbabalik sa lugar nila sa Spain, pinag-iisipan pa rin daw mabuti ni Mommy Guapa dahil ayaw naman daw nitong basta na lang iwanan ang apong si Hubert.

Mahal na mahal ni Mommy Guapa si Hubert, kaya medyo nagpi­pigil pa ito sa planong bumalik na lang sa Spain.

Hiling ng ina ni Jana na may sakit, pinagbigyan ni Piolo

NAGING magkapareha sa pelikulang Lagarista sina Piolo Pascual at Jana Victoria.
Kamakailan, aksidenteng nagkita ang dalawa.

“Nag-gym ako at nakita ko na nandoroon din si PJ (palayaw ng aktor) at nagba-badminton naman. So, I shouted, ‘PJ’ at nagulat siya. Then sabi niya, ‘I will get your number after my game.’

“Nag-badminton kami, pero magkaibang game. Then sabi niya, gusto sana niya na mag-game rin kami, pero may event pa siyang pupuntahan, kaya nagkuwentuhan na lang kami sandali,” kuwento ni Jana.

Halos pareho pa rin ang hitsura ng dalawa at hindi sila parehong tumanda after gawin nila ang Lagarista. Puring-puri rin ni Jana si Piolo dail napakabait pa rin nito.

“Hindi nagbabago si PJ, super nice pa rin!” sey niya.

Humiling din daw si Jana ng video greeting mula kay Piolo para sa nanay niyang may sakit at pinagbigyan siya ng aktor.

“Then after, siya pa ang nagsabi na mag-picture kami,” kuwento pa ni Jana.