Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paolo nag-walk sa game show

0 109

NI: Archie Liao

Naba-bash ngayon ng mga netizen ang actor at TV host na si Paolo Ballesteros . May kaugnayan ito sa umano’y pagwa-walkout niya sa taping ng kanyang show na “Bawal na Game Show” sa TV 5.

Anila,lumaki na raw umano ang ulo ng komedyante dahil may attitude na diumano ito.

Ayon sa unconfirmed reports, nag-walk out daw ito sa nasabing show dahil sa naging alitan nito sa security guard na hindi siya pinapasok sa hallway papuntang set.

Sa halip ay pinagsabihan pa raw ito ng guard na sa ibang entrance dumaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit pa nila, hindi raw umano ma-take ng award-winning actor na hindi siya kilala ng guard on duty kesehodang nagtanggal na siya ng face mask at shield.

Sa inis daw umano nito dahil sa paghahanap ng alagang kapatid, minabuti na lang daw nitong huwag nang mag-report sa taping.

Ayon naman sa produksyon, hindi raw nakilala si Paolo ng guard dahil bago ang bantay na nakatoka sa entrance.

Tinawagan pa raw nila umano si Paolo para magpaliwanag pero hindi raw ito tumugon.

Tanong ng ilang kibitzers, unprofessional na raw ba ang actor? Kung tutuusin ,mababaw raw ang dahilan nito para mag-walk out ito sa naturang show.

Para kay Paolo, bukas ang Abante Tonite para marinig ang kanyang panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.