Abante Tonite Interactive

Paolo naghamon ng showdown kay Coco

By
4,086

Willing si Paolo Ballesteros na mag-join sa filmfest movie nina Coco Martin at Vic Sotto kung walang conflict.

Gusto raw niyang maka-showdown ang cha­racter ni Coco sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Paloma.

Patalbugan, pasiklaban, paandaran sina Coco at Paolo ‘pag nagkataon, huh!

Abante Hiring – IT dep

Ang tanong, si Paolo na rin kaya ang magme-make up kay Coco bilang Paloma?

Anyway, patuloy ang tagumpay ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ dahil noong Miyerkoles (Hunyo 13), nakamit ng serye ang pinakamataas nitong national TV ra­ting ngayong 2018. Pumalo nga ang palabas sa national TV rating na 44.4% ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes.

Napanood sa episode ang patuloy na pagsuyo ni Cardo (Coco Martin) sa asawa niyang si Al­yana (Yassi Pressman), at nakilala rin ang mga panibagong karakter ng serye na kinabibilangan nina Joross Gamboa, ‘Funny One’ champion na si Donna Cariaga at finalist Nonong Ballino, ‘PGT’ runner up na si Joven Olvido, child star na si Carlo Mendoza, Whitney Tyson, Mel Feliciano, at ‘The Voice Teens’ fina­list na si Isabella Vinzon.
***

Jackie Rice, baliw na?

Baliw na ang tingin ng mga netizen at ilang manonood sa karakter ni Jackie Rice bilang si Ava sa ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’. Ito ay matapos magpabuntis muli sa ibang lalaki para lang hindi siya iwan ni Marco (Mike Tan) at hindi ito muling mapunta kay Thea (Yasmien Kurdi).

Mabuti na lang ang lalaking nakabuntis sa kanya na si Edward (Rodjun Cruz) ay nasa matinong pag-iisip at gusto niyang panagutan ang anak niya kay Ava. Mas kinaiinisan tuloy ngayon si Jackie dahil sa pagka-desperada niya.

Kailan kaya madidiskubre ni Marco ang totoo at ano kaya ang gagawin niya kay Ava kapag nalaman niya ang kasinu­ngalingan nito?
***

Wishful 5 may pasabog sa Big Dome

Nagbabalik sa Smart-Araneta Coliseum ang rising singers na sina Princess Sevillena, Kimberly Baluzo, Louie Anne Culala, Carmela Ariola, at Ace Bartolome sa dara­ting na Martes (Hunyo 19) para sa kanilang pinakahihintay na ‘Wishful Journey’ concert – ang unang major project nila bilang ganap na mga artist matapos magwagi sa online singing competition ng Wish 107.5.

Kasabay nito ang pag­lulunsad ng kanilang debut album bilang Wishful 5 mula sa Star Music, kung saan tampok ang 18 original at revival tracks.

Ang mga baguhang belter ang naging top contender sa nakaraang online singing competition na ‘Wishcovery: Your Road to Stardom Starts Here’ na umere sa YouTube channel ng Wish 107.5 mula Setyem­bre 2017 hanggang Marso 2018.

Nakakuha silang lahat ng two-year recording contract mula sa Star Music at five-year ma­nagement deal sa ilalim ng Breakthrough and Milestones Productions International, ang content provider ng Wish 107.5.

“Hindi ko na-imagine na mangyayari itong lahat sa akin sa loob ng isang taon – ang manalo sa malaking contest, magkaroon ng sariling album na ilulunsad pa sa Big Dome. Nandyan ang pressure ngunit naniniwala ako na mapapasaya namin ang mga makikinig sa ihinanda namin,” pagbabahagi ng ‘Wishcovery’ grand winner na si Princess.

Mapapanood din ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino, ang Asia’s Phoenix na si Morissette, ang R&B Prince na si Kris Lawrence, ang R&B heartthrob na si Daryl Ong, at ang ‘Pilipinas Got Talent’ Season 6 grand winner na si Kristel De Catalina bilang special guests sa nasabing concert.

Ilang araw bago pa man maganap ang pinakahihintay na show, inilabas na ng Star Music ang collaborative single ng Wishful 5, ang ‘Patuloy Ang Pangarap’, sa digital platforms. Mapapanood na rin ang lyric videos ng mga awitin ni Princess na kabilang sa ‘Wishful Journey’ album — ang ‘Sana’y Maghintay Ang Walang Hanggan’, ‘Ikaw Lamang’, ‘Walang Kasing Ikaw’ at ‘Pangarap Kong Bituin’ – sa Star Music YouTube channel.

Ginanap rin sa Big Dome ang final sing-off ng Wishful 5 noong Marso. Bilang grand champion, tumanggap si Princess ng cash at kontratang may halagang P2 million, bahay at lupa, brand new car, at round trip ticket para sa New York para sa isang musical training. Kinilala namang first runner-up si Kimberly, habang sina Louie Anne, Carmela, at Ace ang tinanghal na second, third at fourth runner-up.

Maging bahagi ng ‘Wishful Journey’ ng Wishful 5 sa darating na Martes (Hunyo 19),7 PM. Mabibili na ang tickets sa ticketnet.com.ph.

Puwede na ring mabili ang kanilang debut album simula Lunes (Hunyo 18) sa ABS-CBN Store.

Ana Loreta Miss Tourism Philippines-Agoo

Kandidata ng Miss Tourism­ Philippines 2018. Si Ana Loreta Gundran Oliveros, 22 years old at may sukat na 23-24-34.

Mahilig din siyang umarte. 12 years old siya nang magsimula siya sa teatro. Humahanga siya kay Lea Salonga dahil sa pagganap nito sa Miss Saigon.

Nagtapos siya sa Saint Louis University (SLU) nu’ng 2016 ng Bache­lor of Arts in Communication. Naging miyembro rin siya ng CCA (Center for the Culture and the Arts): Tanghalang SLU.

Nanalo rin siyang Miss Agoo 2018 first runner-up at Miss Tourism Agoo. Kinatawan siya ngayon ng naturang bayan para sa Miss Tourism Philippines 2018.

Ambassador siya ngayon­ ng Baraka Place Agoo. Hawak din siya ng Baraka Ambassadors Management International Artist Center.