Abante Tonite Interactive

Paolo nagparetoke

0 741

NI: Archie Liao

Sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, isa ang Dabarkads na si Paolo Ballesteros ang naninibago.

For one, wala na kasing live audience for the meantime ang Eat Bulaga.

Wala rin siyang choice kundi ikulong ang sarili sa kanyang bahay para makaiwas sa Covid19.

Gayunpaman, hindi ito dahilan para hindi niya ma-enjoy ang daily routine niya sa bahay.

Sa mga abala at nabuburyong sa kanilang self-quarantine,nagawa pa rin niyang paalalahanan ang mga ito about personal hygiene.

“Sa mga di pa naliligo jan. O naligo nako,o.

Ligo ligo den pag may time,”aniya.

Isa namang kenfourteen ang nakapansin na bukod sa fresh aura niya after his shower ay tumangos din ang ilong nito kaya naurirat niya si Pochoy.

Tinanong nito kung nagpa-nosejob ang makeup transformation artist.

Buong ningning namang sinagot ito ng actor-TV host na “Secret! ”

Dahil bitin ang kanyang sagot, nagkaroon tuloy ng espekulasyon na nagparetoke ang EB host.