Abante Tonite Interactive

Paolo nakipagbalikan sa dyowa

0 179

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioDahil nga may la­rawang lumabas sa Instagram na magkasamang muli sina Paolo Ballesteros at Kenneth Gabriel Concepcion, marami tuloy ang hindi maiwasang magtanong at magkataka, tapos na nga ba ang kanilang Miss You Like Crazy phase at ngayon eh Starting Over Again ang kanilang drama?

Ito naman kasing si Siopao, term of endearment ni the Other Queen P, ang payanig sa IG post niya, “Kagat Labi” kaya tuloy ang imahinasyon ng mga dabarkads, in super ballistic mode agad-agad.

Siyempre pa, ang diva that you love, tinanong si Paolo tungkol sa pangyayari at agad naman itong tumugon, Aniya, “Hey. naku hindi pa po. lumabas lang kami kasi ginimik namin ‘yung friend namen na balikbayan. We’re still friends naman.”

Ayan ha, galing na ang sagot mula sa ating mahal na the Other Queen P. Cuentas claras na dapat at huwag na­ting pangunahan.

Sa true lang, kung altar bound at may happy ever aftering sina Paolo at Kenneth, ang mangyayari ay mangyayari. Ang nakatakda ay talagang nakatakda. Maging masaya na tayo na kahit pa nga naghiwalay na ang kanilang de kolor at puti, magkaibigan pa sila. Napaka-emotionally healthy and mature nila to still share a friendship, hindi ba naman?
***

Alden ramdam ang alagang Kapamilya

Ngayong hindi na nga mapipigil pa ang tambalan nina Pambansang Bae Alden Richards at Millennial Showbiz Princess Kathryn Bernardo, naba­liw ang diva that you love sa mga hanash at kuda mula sa aking mga basher at hater. Hindi ako makapaniwala sa mga pagmamaganda nila sa akin na para bang ako ang dahilan kaya nangyari ang pagsasamang ito.

Sa tanong niyo kung masaya ba ako sa pagsasamang ito? Aba, yes oh yes ang sagot ko diyan, mga fantard na walang malay. Kailangan pa bang i-state ang obvious? Nadagdagan ang premium ni Alden bilang lea­ding man lalo na nga’t we are talking about Kathryn Bernardo here.

Kita niyo naman ang arrive ni Bernardo sa story confe­rence, ang magsasabing hindi siya blooming at blossoming ay sinunga­ling! Hindi rin puwedeng ikaila, itatwa o itanggi, na bagay na bagay sila ni Faulkerson, huh!

Masaya ako of course, alam naman natin kung paano mag-alaga ang Kapamilya/Star Cinema sa mga Kapuso leading man maski itanong niyo pa kay Dingdong Dantes. At tiyak mararamdaman rin ni Alden ang pagmamahal at alagang Kapamilya.

Masaya ako dahil ang kuwento ay tungkol sa young overseas Filipino workers (OFWs) na nagtratrabaho sa Hong Kong.

Ang dalawang bida, kapwa ninerbiyos at exci­ted sa kanilang pagsasama.

Ang mga tanong, ang kasintahan ni Kathryn na si Daniel Padilla, ano kaya ang opisyal na reaksyon sa tambalang ito?
Ang sangrekwang KathNiel fanatics at fandoms, anong suporta at gaano kaya katindi ang pagtanggap at pagyakap nila sa pagbabagong ito? Mahahati at magkakanya-kanya kaya sila?

Mga pro-Kathryn Bernardo lang kaya ang go for gold sa pangyayaring ito?

Eh kamusta naman ang mga AlDub Nation? Marami na ang umaatungal na kesyo kay Bernardo puwedeng magka-pelikula pero kay Maine Mendoza, sa malayong hinaharap pa?

Naku, ganiyan naman talaga mag-isip ang mga iyan, mga hindi kumikilos ayon sa kanilang ganda kasi hindi naman talaga kagandahan, sa isip, sa salita at sa gawa, lalo na sa itsura. Hahahaha!