Abante Tonite Interactive

Paolo, nanganganib kay Aljur

By
10

NAGBABADYA ang pagwawagi ni Aljur Abrenica bilang BEST ACTOR sa 35th Luna Awards this year.

Mukhang si Aljur ang sisira sa winning streak ni Paolo Ballesteros, na tila papunta na sa pagga-grandslam as Best Actor para sa acclaimed performance nito sa Die Beautiful.

Wagi si Paolo sa 1st Eddys Awards at sa 40th Gawad Urian.

Matunog din siya sa 33rd Star Awards for Movies sa Setyembre, pero may tulog si Paolo kay Aljur, na ang pelikulang Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli na dinedma ng ibang award-giving bo­dies ay humakot ng nominasyon sa Luna Awards.

Bukod sa Best Actor ay nominado ito sa kategoryang Best Picture, Best Director (Gil Portes), Best Cinematography, Best Editing, Best Musical Score at Best Sound.

Inisnab ng Film Aca­demy of the Philippines ang Ang Babaeng Humayo ni Charo Santos-Concio at Everything About Her ni Vilma Santos.

Hindi nila bet ang mga ito, mas bilib sila sa GANDA ng Hermano Puli.

Bukod kay Paolo, ang iba pang posibleng kabugin ng OUTSTANDING PERFORMANCE ni Aljur ay sina Bembol Roco (Pauwi Na), Ronwaldo Martin (Pamilya Ordinaryo) at Joshua Garcia (Vince & Kath & James).

Walang career ngayon si Aljur matapos niyang mabuntis si Kylie Padilla at mawala siya sa Kapuso network.

SUPER BIG BOOST sa showbiz career niya kung siya ang mananalong Best Actor sa Luna Awards, na lume-level sa pagka-PRESTIGIOUS ng FAMAS Awards.

Sa August 26 ang MUCH-AWAITED 35th Luna Awards ng FAP!!