Abante Tonite Interactive

Paolo, nanghihinayang kay JUNJUN

By
15

TINATAWANAN lang ni Paolo Ballesteros ang pagsasabong sa kanila ni Vice Ganda.

Magkatapat kasi ang mga noontime show nila. Ang mga pelikula nila ay magkalaban dapat sa 2016 MMFF, kaya lang ay hindi ­nakapasa ‘yung movie ni Vice sa panlasa ng filmfest ­committee, samantalang ‘yung kay Paolo ay pasok sa ­Magic 8.

Naungusan ni Paolo si Vice sa acting award dahil Best Actor si Paolo sa Tokyo ­International Film Festival para sa ­launching movie niyang Die Beautiful.

“Wala namang gano’n. Huwag nang pagtapatin. I’m sure naman, pare-parehas naman kaming pinagbubuti ang ginagawa namin.

“Wala namang, ‘Ah, dapat gawin ko ‘to para mas galingan ko si ano!’ Gawa lang nang gawa ng maganda.

“Give it your best, your 100%. ­Ngayon, kung mabigyan ng award, ma-recognize sa international o whatever, thank you.

“At least, na-reward-an ‘yung paghihirap mo. Ganu’n lang,” bulalas ni Pao nang matsika namin­ siya sa presscon ng ­Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Naligwak ang dapat sana ay filmfest entry ni Vice, so ibig sabihin ay mas maganda ang mo­vie ni Paolo?

“Ano ba? Hindi naman. Siguro, maganda rin naman ang pelikula niya. Napanood ko ‘yung ­trailer, eh. Nakakatawa naman, eh.

“Hindi ko alam kung bakit hindi sila naka­pasok. Sabi nga nila, may kanya-kanyang taste. I guess, medyo iba ‘yung panlasa ng mga namili.”

‘Yung totoo, anong feeling niya na tila pinagsasabong sila ni Vice?

“Ano, bakit? Wala namang pagtatapat, ‘di ba?”

‘Sabagay. Unang-una, bading si Vice, ‘di ba?

Kinurot kami ni Paolo sa may tagiliran at natatawa siyang humirit ng, “Wala, ‘di ba? Walang pagtatapat. Work work work lang, gano’n!”

Pero okey ba sila ni Vice?

“Oo naman. ‘Pag ­nakikita ko siya, syempre, ‘Hello!’ ganyan.”

Malamang si Paolo na ang magwawaging Best Actor sa MMFF awards night dahil kung sa Tokyo nga ay nangabog siya, eh!

“Ay, hindi ko alam! Well, hindi naman ako nag-e-expect. Pero hopeful. Depende pa rin ‘yon sa filmfest jury.”

***

As usual ay ­naka­ayos at nakadamit-­babae si Paolo sa presscon ng Enteng 10 dahil ­Lola Tidora pa rin (ng ­Kalye­serye) ang karakter niya, na kabilang sa mga ABANGERS na may ­superpowers.

Si Bb Gandanghari ay nagpalit na ng pangalan kamakailan at legally ay naaprub na sa Amerika ang pagiging babae nito.

Siya ba naiisip niya rin ang bagay na ‘yon?

“Ay, teka lang! Ha! Ha! Ha!” natatawang reaksyon ni Pao.

Pangarap niya rin bang magpaopera ­para maging ganap na ­babae siya?

“Ay, no. Sayang ­naman si Junjun! No! Ha! Ha! Ha!”

So, anong masasabi niya para sa transwoman na si Bb Gandanghari?

“Well, I’m happy for her dahil nakita ­naman natin kung saan siya nanggaling. I mean, from being an action star.

“So, I can just ­imagine ‘yung tuwa na naramdaman niya when she was legalized as a woman.

“Kasi, mahirap ‘yung sarili mo, ibang tao ka pala. Ngayon, kinikilala na siya bilang kung ano ‘yung totoong siya.”

Mas bet ba ni Pao ang bisexual lifestyle o bet ­niya ring magpaka-transwoman?

“Huh? Sino ‘yon?! Itatanong ko sa apo ko! Ha! Ha! Ha!” tawa ­niya, na biglang naging Lola Tidora mode dahil sa tanong.

Eh ang lovelife at sexlife niya, kumusta?

“Eh, ‘di NGANGA! Tatlu-tatlo ang pelikula, ‘di ba?”

MAMATEY?!

“Mamatey!!! Nga­nga talaga!!” naka­ngiting sambit ni Paolo.

Sa Miyerkules ­(November 30) na ang showing nationwide ng Enteng Kabisote 10 and the Abangers habang sa Pasko ipapalabas sa mga sinehan ang Die ­Beautiful.