Abante Tonite Interactive

Paolo, pangabog ang alindog sa Tokyo filmfest

By
Paolo Ballesteros
9

EXCITED kami para kay Paolo B­allesteros, na ang pelikulang Die Beautiful ay pasok sa Main Competition ng 29th Tokyo International Film Festival (October 25-November 3).

Sosyal si Paolo, ang launching movie niya ay sa international filmfest ang world premiere.

Three years ago ay nag-compete rin sa Tokyo filmfest ang pelikula ni Direk Jun Lana na Barber’s Tales at nagwaging Best Actress doon si Eugene Domingo.

Wish namin na si Paolo naman ang magwagi this time ng Best Actor (o puwede ring Best Actress) sa T­okyo para sa transgender drama ni Direk Jun.

Mas bonggah kung aapir si Pao sa awards night nang naka-transwo­man outfit at bilang isa sa maraming makeup transformations niya sa movie (Julia Roberts, Beyonce, Lady Gaga, atbp.).

Mangangabog si Paolo sa red carpet at sa entablado ‘pag ginawa niya ‘yon, na siguradong mapapansin ang kanyang ganda na babaeng-babae ang dating.

Malamang mamangha rin ang foreign audience ‘pag naki­ta kung gaano niya kaplakado ang mukha ng ginagaya ni­yang famous celebrity.

Happy kami for Pao na naging productive siya nu’ng time na suspendido siya sa Eat Bulaga at nakagawa siya ng pelikulang makatuturan at bagay na bagay sa kanya.

16 films mula sa iba’t ibang bansa ang makakalaban ng Die Beautiful sa Tokyo filmfest, kabilang ang dalawang Japanese films at isang US entry.

Bonggadera si Paolo kung makakasungkit siya ng tropeo sa nasabing festival dahil makikihanay siya sa mga nagwagi ng international awards this year sa pa­ngunguna ni Jaclyn Jose na nag-Best Actress sa Cannes.

Bukod sa Die Beautiful ay mapapanood din si Pao sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? with Anne Curtis & Dennis Trillo at sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers.