Abante Tonite Interactive

Paolo, papalit kay Dolphy

By
10

NAG-HOST sina ­Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde ng victory party para sa Die Beautiful team kung saan ang nagrereynang uri ay si Paolo B­­alles­teros.

Puring-puri ni Direk Jun Lana ang best actor sa katatapos na Tokyo International Film Festival.

Lahad ni Direk Jun, “Bilang aktor, napaka-professional ni Paolo. Lahat, ginagawa niya. All mine to give.

“Comfortable siya sa katawan niya. Walang arte.

“Bilang aktor, kita na mas may chemistry siya with Albie (Casiño). Parang mas nag-respond siya kay Albie.”

Iba talaga ang arrive ni Albie, mas katakam-takam kesa kay Luis ­Alandy.

Kaya I understand Paolo as Trisha being giddy about him.

Reaksyon ni B­­alles­teros, “Kasi, ‘yun ang dapat kong gawin. Uma­arte ako. Hahahaha!

“Bakit, pogi naman si Albie, ah?!”

***

Hindi raw magtataas ng presyo si Paolo after the TIFF win at baka mas kumonti ang offer.

Sa roles, ang gusto niya, “Siempre ‘yung iba sa what I always do sa TV. Kagaya dito, si ­Trisha, ibang-iba ito. OA sa preparation.

“Two to three hours ang transformation, tapos, maraming eksenang paulit-ulit. Eh si Direk Jun, ­perfectionist.

“May isa lang buhok na tumikwas sa suot kong wig at nakita niya, ulit na naman.

“Kailangang pada­pain ang buhok eh paano mo padadapain ‘yun, wig na nga. Hahahaha!”

Wala palang malay sina Direk Jun na dara­ting si Paolo sa awards night dahil single entry lang ang visa nito.

Without their know­ledge, ang mga TIFF peeps, on their part made sure na makakarating si Ballesteros.

Chika ni Pao, “Noong pinabalik nila ako du’n, akala ko, parade lang kaya nga hindi ako nag-effort na mag-gown.

“Dumating ako madaling-araw, tinanong ako kung alam na nina Direk Jun na dumating na ako. Sabi ko, hindi.

“Kaya sa award, hindi ako hopia. Sa backstage, when I heard na they were describing na my character sa best actor, iyak ako talaga.

“Ang weird na masarap sa pakiramdam ‘yung pagkakataon na ‘yun.”

Bakit ba sina Julia Roberts at Angelina Jolie ang pinili niyang irampa?

Sagot ng Transformation Queen, “Kasi, sila ang pinakamadaling gawin for me. Feeling ko, malapit sila sa mukha ko kaya ‘di masyadong mahirap.”

After giving life to Trisha and winning best actor, anong kasunod?

Say ni Ballesteros, “Wala naman kaso sa akin kung gay ulit ang role. Basta ibang klaseng bading naman.

“Kung straight ang role. gusto ko rin, ‘wag lang sigu­rong action film. Pero kung ganu’n, mapapag-aralan naman ang lahat.”

***

Tuwang-tuwa si Direk Perci Intalan sa label kay Paolo na The Other Queen P.

Bet din niya ‘yung isinulat ko about the impending rivalry nina Ballesteros at Vice Ganda.

For direk Perci, kaaliw ‘yung thought na sina Tiis Ganda at ‘Di Kaganda­hang Bisyo ang ­Millennial Nora Aunor versus Vilma Santos.

Tinanong si Paolo kung gusto niya bang makatrabaho si Vice sa isang ­pelikula at affirmative ang kanyang reaksyon.

“It is his time now,” sundot ni Direk Jun Lana patungkol sa kanyang leading man na best in long gown.

Deklarasyon ni Mother Lily, “Siya na ang feeling ko ang papalit kay Dolphy!”