Abante Tonite Interactive

PAOLO, PASABOG SA PARADA

By
Karosa ng DIE BEAUTIFUL
6

Pinagkaguluhan din ang float ng Die Beautiful kung saan pasabog ang suot ng bida ng pelikulang ito na si Paolo Ballesteros.

Naka-body suit siya na flesh at naka-ayos girl na ang ganda-ganda niya sa ayos na iyun.

***

Abante Hiring – IT dep

As of presstime, hindi pa umuulan pero iisa ang dasal ng mga artistang kalahok sa Metro Manila Film Festival, na lumihis sana ang bagyong Nina.

Malaking epekto sa taunang filmfest kung may bagyo, kaya sana huwag na raw matuloy.

Si Eugene Domingo ang nagdasal sa Quiapo na lumihis ang bagyo dahil iyun lang daw ang wish niya na sana, mapanood ng mga tao ang entry niyang Ang Babae sa Septic Tank 2.

Ayaw na raw niyang isipin ang magka-award, basta panoorin lang daw sana ang lahat na mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016.

Ani Uge, “Hindi naman po ako nakipag-compete. Ang gusto ko lang talaga ay lumabas ang mga tao sa Pasko para suportahan ang mga pelikula ng MMFF.”

Pagkatapos ng parada, lilipad na raw pa-Europe si Uge para doon mag-Pasko kasama ang partner niya.

Tawa lang nang tawa si Uge nang tinanong namin sa kanya ang tungkol sa hindi na siya kabilang sa samahan ng malamig ang Pasko.

Basta, i-enjoy lang daw muna niya ang moment na in love siya.

***

Joshua & Julia & Ronnie, pinagkaguluhan ng madla
Joshua & Julia & Ronnie, pinagkaguluhan ng madla

MASAYANG nairaos ang MMFF Parade of Stars kahapon na kung saan pinagkaguluhan ang mga karosang sakay ang mga artistang involved sa walong pelikulang kalahok sa taunang filmfest.

Maayos ang coordination ng mga pulis at ng mga staff ni Mayor Joseph Estrada na nag-sponsor sa parada.

Sayang at isinugod sa hospital si Mayor Erap kaya hindi na ito nakasali sa parada.

Pinagkaguluhan ang karosa ng Vince & Kath & James na sakay sina Joshua Garcia & Julia Barretto & Ronnie Alonte.

Last two floats ang VKJ at Seklusyon kaya madali kay Ronnie na lumipat pero hindi niya ginawa.

Sa VKJ lang siya nakasakay at hanggang sa Plaza Miranda, nandoon pa rin siya.

Na-interview namin si Ronnie Alonte na nagsabing sa kalagitnaan ng parada ay lilipat sana siya sa karosa ng Seklusyon na sumusunod lang sa kanila.

Kaso, hindi na siya nakaalis.

Sobrang excited siya dahil first time niyang nagkapelikula, pasok pa sa MMFF, at dalawa pa ang entry niya.

***

As expected, hindi pinagkaguluhan ang karosa ng Sunday Beauty Queen dahil walang artistang sakay.

Si Mae Paner alias Juana Change ang nandoon para magbigay ng pahayag na suporta­han ang naturang pelikula para sa ating mga OFW.

***

Nagpapasalamat naman si Rhian Ramos ng Saving Sally sa GMA 7 na all-out ang suporta sa kanyang pelikula na entry sa MMFF.

Kahit hindi GMA Films ang nag-produce ng Saving Sally, pinapayagan siyang mag-promote sa ibang network.

Pahayag ng Kapuso actress, “Kahit hindi sila nag-produce, sinusuportahan nila ‘yung project para sa akin, and I feel so touched na meron akong home network na ganun na puwede akong suportahan dito sa Metro Manila Filmfest.

“So, I feel very proud to be a Kapuso inside of the Metro Manila Filmfest.

“Alam mong they did, because we’re a family. Hindi dahil sa business because they’re suppor­ting my film.”