Abante Tonite Interactive

Paolo pinaglilihian ni LJ

1,146
tonite-pak-allan-dionesWalang pagkain na pinaglilihian ang 19 weeks pregnant na si LJ Reyes.
Ang sabi sa amin ng daddy-to-be again na si Paolo Contis, siya lang ang pinaglilihian ni LJ.
“Bwisit na bwisit siya sa akin! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Pao.
Actually, patapos na kasi ang first trimester ng pregnancy ni LJ when they found out na buntis pala ito.
Ang akala nila ay hyperacidity lang ‘yung madalas na pagsusuka at pagsakit ng sikmura nito.
Related Posts
Nasa 9 to 10 weeks na ang dinadala ni LJ nang malaman nila. Hindi kasi nawawala ang sakit ng sikmura nito, so ang sabi ng mommy ni LJ, “Baka you’re pregnant?”
Ayun, nag-pregnancy test ang magdyowa at nakumpirma nilang preggers nga ang 30-anyos na Kapuso actress.
So, na-shock sila pareho, ganern?
“Shocked, pero super-happy. Lalo na when we saw the baby sa ultrasound. Naiyak kami sa tuwa!” sabi sa amin ni Paolo.
In two weeks ay puwede na raw nilang malaman kung boy o girl ang nasa tiyan ni LJ.
Ang cute nu’ng YouTube video ni LJ kung paano nito sinabi sa anak na si Aki na magkakaroon na ito ng kapatid.
Sa tanong niya kay bagets na, “Do you want a playmate?” ay “A brother maybe,” ang sagot ni Aki.
Pero nang sabihin na ni LJ na meron nang baby sa loob ng kanyang tiyan ay ang tagal bago na-convince ni bagets.
“You’re joking!” sey ng tsinitong anak ni LJ (kay Paulo Avelino).
“Mommy, that’s me!” ang paulit-ulit na sabi ni Aki nang ipakita ni LJ ang sonogram ng baby.
Kahit nang ipakita niya ang date ng sonogram ay hindi pa rin kumbinsido si bagets.
“You’re just joking. You just made that picture,” sey ni Aki.
“She’s not. She’s pregnant,” sabat ni Paolo, na siyang kumukuha ng video.
Nu’ng medyo naiiyak na si LJ ay hina­wakan na ni Aki ang mom nito at ang sabi, “Okay, fine!”
Tapos ay yumakap si bagets kay LJ. January 2019 lalabas ang anak nina LJ at Paolo.
Ang gusto ni Aki ay baby brother, pero ang sabi ni LJ ay girl ang gusto niya.
“Why a girl? That’s arte!” ang cute na reaksyon ng kuya-to-be na si Aki.
8-anyos na si Aki, na anak ang turing ni Paolo. Mahigit tatlong taon na ang relasyon nina Paolo-LJ.
May dalawang daughters si Pao sa ex-wife niyang si Lian Paz: sina Xonia (8 y/o) at Xalene (7 y/o).
***
 

Maine humabol sa proposal kay Sheena

In fairness ay huma­bol pala si Maine Mendoza sa naganap na proposal para sa close friend niyang si Sheena Halili.
Hindi nakita si Maine sa anumang photos or videos doon sa naganap na proposal, pero nag-post siya ng pics sa Twitter na kasama niya ang bagong engaged na si Sheena at ang isa pa nilang ka-close na si Juancho Trivino.
Nakahabol pala si Meng doon sa after party. Ang sabi sa amin ni Juancho ay galing ng work si Maine, so doon na ito tumuloy sa after party.
Ayun, so hindi inis­nab ni Menggay ang importanteng moment na ‘yon sa buhay ng kanyang beshie na si Sheena. Na-late lang siya dahil may trabaho, pero dumating siya.