Abante Tonite Interactive

Paolo, reynang-reyna sa korona

By
Paolo Ballesteros
5

INILABAS na ng Tokyo International Film Festival ang trailer ng Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

Palaban ang transgender drama ni Direk Jun Robles Lana sa Main Competition ng Tokyo filmfest.

Sa October 27, 5:00 PM ang world premiere nito sa EX Theater Roppongi.

Glossy, makulay, mukhang masaya at magaan ang trailer ng launching movie ni Paolo, na sobrang gandara sa pelikula bilang baklitang kontesera na si Trisha.

Babaeng-babae ang hitad na Paolo pag naka-long gown at reynang-reyna pag pinutungan na ng korona.

Si Albie Casiño ang isa sa mga lalaki rito na kina-eelyahan ng karakter ni Pao at ng mga beki friends niya.

Kasama rin si Luis Alandy na mukhang pag-ibig ng transwoman na si Trisha at hindi pang-alis kati lang.

Ilan sa makikita sa trai­ler na amazing make-up transformations ni Paolo ay Miley Cyrus, Julia Roberts at Beyonce, doon sa dulo ng trailer na tinakpan siya habang nasa loob ng kanyang puting ataul.

“Woooh! 1st trailer of the day! DIE BEAUTIFUL for Tokyo International Film Festival! Later naman ang trailer ng BAKIT LAHAT NG GWAPO MAY BOYFRIEND?!

Trailer pa more!” ang masayang shout out kahapon ni Pao sa FB.

Back to back films ang hitad, taraaayyy!!!