Abante Tonite Interactive

Paolo sa smuggling: Kalokohan! — Panelo

By
8

Nanindigan kahapon ang isang opisyal ng Malacañang na mala­king kalokohan lang ang pagkakasangkot ni presidential son at Davao City Vice-Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte sa umano’y corruption sa Bureau of Customs (BOC).

Binanggit ito ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na si Sen. Antonio Trillanes IV lang naman ang nagsisi­ngit ng pangalan ni Paolo sa umano’y smuggling sa BOC at hindi ang broker na si Mark Taguba.

“Alam mo hindi naman totoong sinasangkot eh; nakikinig ako noong during the hearing. Sinasabi noong Taguba kausap niya iyong tatlo, iyong mga involved doon — iyong Small, si ganito, si ganyan. Basta tatlo ang binabanggit.

Hindi naman binabanggit ang pangalan ni Pulong. Iyang si Trillanes ang nag… sinabi na, na ano mo si Vice Mayor… siya ang sumisingit ng pangalan eh,” paliwanag ni Panelo.

Hinggil naman sa umano’y text message ng isang ‘Tita Nani’ kay Taguba kung saan binanggit ang isang ‘Jack’ na siyang handler umano ni Paolo sa Davao Group, sinabi ni Panelo na maaaring ginamit lang ni Tita Nani ang pangalan ni Paolo para ipagmalaki kay Taguba na malakas sila sa BOC.