Abante Tonite Interactive

Paolo, sarap na sarap kay Albie

By
Paolo Ballesteros
298

NOONG high school ay sumali si Paolo Ballesteros sa mga patimpalak na panlalaki.

Nag-join siya sa Mr. Cabanatuan City Science High School habang ang kapatid niyang babae ay sumali sa female division.

Nag-title ba siya?

“Always!” mabilis na sagot sa amin ni Paolo sa grand media paandar ng MMFF entry niyang Die Beautiful sa 38 Valencia Events Place ni M­other Lily Monteverde.

Ang first time na sumali ni Paolo sa beauty contest ay ‘yung sa BEBOT ng Eat Bulaga, na as expected ay siya ang tinanghal na first title holder.

Tanong namin kay Pao, kung naging tunay na transexual siya na katulad ng karakter niya sa movie, tapos ay sasali siya sa isang beaucon, sino ang gagayahin niya?

“Si Pia Wurtzbach. Siyempre, Miss Universe, eh!” pakli ni Paolo.

Kung naging transwoman siya, sino ang pipiliin niyang lalaki na gusto niyang magmahal sa kanya?

“Siyempre, ang Ultimate Crush ng mga ganyan… si Piolo Pascual,” nakangiting sagot niya.

Ah, si Piolo rin ba ang Ultimate Crush niya?

“Ay, hindi Na-Google ko lang ‘yon, eh! Sabi, si P­iolo raw!”

Mamatey?! Sino pang bet niya?

“Si Keana Reeves.”

Ay, ang luma. At saka ang tanda na!

“Eh ‘yun nga ang mga gusto ko, eh!”

Ah, MATANDA ba ang gusto niya?

“KUNG… Kung naging bading ako,” nakakatawang disclaimer ni Pao.

Si Luis Alandy ang lalaking nagmahal sa kanya sa pelikula. True love ang peg nila, pero may twist ito na ayaw i-reveal ni Paolo.

Meron ba silang kissing scene o love scene ni Luis?

“Secret! Hindi puwedeng sabihin, eh!”

Ano namang relasyon nila ni Albie Casino na kasama rin sa cast?

“Sarap (ni Albie)! Ha! Ha! Ha!”

Ganern? Kung makasarap siya, ha? Bakit masarap?

“Hindi, ‘yun ang motivation. Siyempre, sa karak­ter ‘yon.

“Kasi, nu’ng c­ollege, siya (Albie) ‘yung a­king college supercrush, gano’n. So, hanggang doon lang po.”

Natikman n­iya ba ang super crush niya?

“Secret!” pabiting sagot ni Pao, na naiyak nu’ng presscon sa video greeting sa kanya ng Dabarkads at ng mga iba pang nagmamahal sa kanya.

Birthday wish ng nag-34 years old recently na si Paolo na maging box-office hit ang filmfest entry niyang Die Beautiful.