Abante Tonite Interactive

Paolo tinilian sa paghuhubo

By
3,359

“Hahaha potah na-miss ko na ang BJ,” reaksyon ni Paolo Ballesteros nang mag-post kami sa aming Facebook account na alamin sa pelikulang Amnesia Love kung bakit nasabik na siya sa BJ.

Bentang-benta sa moviegoers ang eksenang na-miss niya ang BJ. Tawang-tawa sila. Parang uhaw na uhaw kasi si Paolo habang tinitikman ito.

Kahit ang pag-topless ni Paolo at paghalik kay Yam Concepcion ay tiniti­lian at kinakikiligan. Swak sa masa ang tambalan nila. May chemistry.

Abante Hiring – IT dep

Aliw na aliw sila sa pagpapakalalaki ni Pao sa Amnesia Love.

Maraming eksena na hahalakhak, maaaliw sa naturang pelikula na handog ng Viva Entertainment.