Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paolo uunahan si Xian kay Jennylyn

0 399

Kumpirmado na ngang Kapuso na si Xian Lim at magsasama sila ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa isang teleserye.

Ang mini-series na pagsasamahan nina Jen at Xian ay may titulong “Love. . . Die. . .Repeat” at magsisimula na silang mag-start ng taping this July. Sa September naman ang airing nito.

Matagal nang nakaplano ang nasabing serye for Jen at namimili na lang ng leading man kaya very timely ang pagpasok ni Xian sa Kapuso.

Pero bago ito ay mapapanood muna si Jen sa one month special ng Daig Kayo ng Lola Ko with Paolo Contis, titled “Last People on Earth.” Magsisimula na ito ngayong July 18, 7:05pm.

Kahit matagal nang magkasama sa isang network sina Jen at Paolo ay ngayon lang sila nagkapareha at sa isang romantic-comedy genre pa na pareho nilang forte.

Kaya naman ang gaan lang ng pagtatrabaho nila at maagang napa-pack-up dahil take one ang lahat ng mga eksena.


Myrtle umiyak sa NCAA game

Marami ang hindi nakakaalam na may iba pa palang talent si Myrtle Sarrosa aside from being an actress, a singer/songwriter, a cosplayer and an online gamer.

Would you believe, naging courtside reporter din pala si Myrtle sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) noong Season 91 (2015) and Season 92 (2016-2017).

As a courtside reporter, siya ang nagbabalita ng mga sidelines sa NCAA games at aniya ay sobrang memorable raw for her ang experience na ito.

“That entire experience for me was very memorable because I was also a student back then,” sey ni Myrtle sa kanyang guesting sa Rise Up Stronger: NCAA Season 96 recently.

“And being a courtside reporter for NCAA, I got the chance to get to know all the teams, all the payers, all their coaches. Pati referee, pati mga nagtitinda ng pagkain, nakilala ko silang lahat.”

Dito rin niya nakita up-close ang matinding effort ng mga basketball players sa bawat games.

“There were many times na naiyak ako sa bawat games kasi all the players worked hard to rise up stronger and seeing them overcome all those hurdles was so fun,” aniya.

Just recently ay umabot na sa 1 million ang followers ni Myrtle sa Instagram at nagpost siya ng pasasalamat sa fans for achieving this milestone.

“1 Million? 😱 I just want to say thank you to everyone here on instagram. Each day you share with me love and positivity. Thanks for following, dropping comments and for joining me in each milestone! Thank you! 🙈 Love you all!” ang mensahe ni Myrtle sa kanyang followers.

Samantala, kasama si Myrtle sa upcoming series ng GMA-7 na Nagbabagang Luha na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro. Malapit na itong mapanood sa GMA Afternoon Prime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.