Abante Tonite Interactive

Paolo, uunahin ang ‘Enteng Kabisote’

By
6
Paolo Ballesteros
            Paolo Ballesteros

HAVEY: Napanood ko na ang ilang eksena ng pelikulang Die Beautiful starring Paolo Ballesteros.

Maiintindhan mo kung bakit nanalo ito ng Audience Choice at Best Actor Award para kay Paolo­ sa Tokyo International Film Festival noong nakaraang buwan.

Pagkatapos nito, ang Die Beautiful ay nagkaroon ng surprise screening sa Toronto International Film Festival along with Trumpland ni Michael Moore.

Ginagawa nila ito ­towards the end of the ­festival as a surprise screening.

Naganap ito noong November 20 na dinaluhan ng maraming taong naging curious sa istorya at sa make up transformations ni Paolo.

Isang malaking karangalan ito lalo pa’t ang Toronto ay isa sa kinikilalang pinakamatagal na at prestihiyosong film ­festivals sa mundo.

Then this December 9, kasali ang Die Beautiful sa main competition ng Kerala International Film Festival sa India kung saan nanalo si Jun Lana ng Best Director award last year for Anino Sa Likod Ng Buwan.

Dito sa ating bansa, mapapanood na natin ­finally ang pelikulang nagustuhan ng mga audien­ces abroad sa Pasko dahil official entry ito sa Metro­ Manila Film Festival.

Malaki ang pressure sa pelikula to win ho­nors and make it big in the box office.

Kaya nauna na riyan ang tulong ng Regal Entertainment sa promotions and distribution.

Before the MMFF, kasama rin si Paolo sa pelikula ni Bossing Vic na Enteng Kabisote 10 and the Abangers bilang isa sa mga lola kaya ito muna ang ipo-­promote ni Pao.

Pero isang ­magandang development ang pagbanggit ni Bossing Vic sa Die Beautiful at ­diyan solid din ang mga kasamahan ni Paolo na ­Dabarkads.

In the end, tulung-tulungan na lang lahat.

Die Beautiful is one of the films that deserves our support, lalo pa’t nagbigay ito ng karangalan sa ating bansa.

The challenge is for us, is to LIVE ­BEAUTIFUL!

***

WALEY: “Pakiabot sa mga kasama mong ­miyembro ng MMFF Committee, MABUHAY! At mabuhay na nga ang pelikulang Pilipino! Cool ang ginawa ninyo.

Walang hanggang SALAMAT! Mula sa ­bayan.
Lav”

Ito ang ipinaabot na mensahe ng iginagalang na direktor na si Lav Diaz sa pamunuan ng MMFF sa pagbabago ngayong taon.

Bilang paglilinaw, mayroong lumabas na kasunduan daw na ­ba­lansehin ang mga kalahok na 4 na mainstream at 4 na indie films sa ­official entries.

Ang sabi ng ­Execom, walang ganu’ng ­kasunduan.

Ang pelikula ay pelikula at ie-evaluate ­bilang buong pelikula ke indie man o mainstream.
Iisa ang pamantayan ng kahusayan.

Ang mahusay ay ­mahusay, Ang basura ay ­basura  indie man o mainstream.
Sana, mas hinusayan pa ng iba para ­makapasok sa Magic 8.

Pagkatapos, may usa­pin tungkol sa pelikulang­ pambata. Alam na pala natin na ang MMFF ay pambata, bakit hindi­ tayo gumawa ng mga pelikulang pambata na aabot sa pamantayan ng ­kahusayan?

Walang may hawak ng monopolya ng ­pagpapasaya kapag ­Kapaskuhan.

Sana, mas ginandahan pa natin, lalo na ang mga pelikulang pambata, kung iyun ang tingin at layunin nating lahat.

Bilang pagkilala at pagtulong sa magandang hangarin ng MMFF, maganda sigurong magkaisa­ ang mga artista (o may kinalaman sa showbiz na mga artista o personalidad tulad nina Alfred Vargas, Richard Gomez, Herbert Bautista, Yul Servo at maging si Congresswo­man Vilma Santos) na makiisa sa kampanya para sa mas magandang pelikula sa MMFF.

Di ba’t magandang kaisa natin sila sa parada at pagbibigay halaga sa mga exciting na entries?

Sama-sama tayo para sa pelikulang Pilipino.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.