Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Papa Buboy: Loding frontliner

0 291

May dalawang taon na ring hindi napakikinggan sa ere si Justin Candado II o mas kilala sa tawag na ‘Papa Buboy’ ng Barangay LSFM. December 2017 nang nag-resign si Justin bilang radio DJ. Totally different field ang tinahak niyang landas, ang medical profession.

Habang nagwo-work bilang DJ, pinagsabay pala noon ni Justin ang pagkuha ng Nursing degree. Ibig sabihin, working student siya. Nang tanungin kung bakit kailangan pang kumuha ng ibang course, gusto raw niyang mag-aral pa.

Pero sa totoo lang, trip-trip lang daw niya ang kursong Nursing. Nasa Australia kasi ang kanyang pamilya at in demand doon ang medical course. Isa na rin ito sa nagtulak para kumuha siya nang Nursing degree kahit pa tapos na ng kursong Journalism.

Agad nakapasa sa board exam si Justin. Isa na siyang registered nurse. Napamahal daw sa kanya ang pagiging isang nurse. Para kay Justin, hindi lang ito isang profession kundi isang calling lalo na ngayong lumalaban ang buong mundo sa COVID-19 pandemic.

Kuwento ni Justin sa FB program na ‘Tandem nina Julius at Cecille’ nitong Sabado, sa COVID ICU ng St. Luke’s Medical Center sa BGC siya naka-assign. Literal na may close contact sa mga COVID-19 patient. Take note, grabe at seryoso ang kundisyon ng mga pasyente nila.

Your email address will not be published.