Abante Tonite Interactive

Papa sa umaga, mama sa gabi

1,293

Marami ang nagtataka kung bakit nananatiling binata hanggang sa ngayon ang dating mahusay na player.

Guwapo naman daw at katakam-takam ang pisikal na pangangatawan ni dating player, pero nagtataka ang mga kababaihan kung bakit wala silang makita na naging matinding karelasyon o naging lubhang malapit lamang maski isa sa kanilang grupo.

Isa tuloy sa kababaihan ang hindi nakatiis na ikuwento ang nabalitaan sa isang malapit na kaibigan na halos kadikit ng dating manlalaro ukol sa tunay nitong personahe sa mga kapwa nito naglalaway kay macho na player.

Minsang nakipag-inuman si player sa mga dati nitong kapwa player at hindi nito nakayanan na hindi mailabas ang tunay na kulay matapos malasing.

Sa una, matikas ang pakikipag-usap ni player sa mga dating kasama bago na ­lamang nagsimula itong mag-iba sa dami na ng nainom na alak. Unti-unting nagsimulang landiin ang kanyang mga katabi at madalas pa na yumayapak sa mga katulad din nito na mga kasama na malalaki ang muscle at mati­tigas ang dibdib.

Tuluyang nadismaya kay dating player ang naglalaway na dalaga matapos nitong makita na habang katabi ang isa pang guwapong manlalaro ay malandi na dalawang braso itong yumakap at inihilig ang ulo niya sa dibdib ng katabi.

Napailing na lamang ang dalaga saka nasabing … hello papa… fafa ka pala sa umaga, mama sa gabi!