Abante Tonite Interactive

Papaano ka natutong mag-drive?

105

Kung kagaya ka ng majority ng Pinoy dri­vers, mas malamang kesa hindi na nagpaturo ka lang sa tatay mo, kuya mo o kabarkada mo na may kotse.

Pareho lang tayo. Kaya naman inaamin ko na madami rin akong bad habits na natutunan, mga bad habits na mahirap alisin.

Gaya halimbawa ng pagpindot sa hazard light pag malakas ang ulan.

Madaming Pinoy drivers ang gumagawa nito, kaya naman naka­kalito sa kalsada dahil hindi mo alam kung may sira ba o wala ang mga naka-hazard na sasakyan.

Isa pang bad habi­t ang pagtapak sa accele­rator bago patayin ang makina. Bukod sa hindi talaga ito kailangan, nagiging dahilan pa ito ng mataas na konsumo ng gasolina at dagdag na polusyon.

Ikaw, anong bad ha­bits mo sa pagmamaneho?

* * *

Sana maisipan ng Department of Education na isama sa curriculum ng senior high school ang driving. Kung gusto natin ayu­sin ang pagmamaneho ng mga Pilipino, dapat simulan natin habang bata pa.

* * *

Email junep.ocampo@gmail.com